TOTOO BA: Ang pagkain ng chocolate ay nakaka-pimple?

Dec 26, 2019
It helps your skin to save that chocolate bar for next time, according to dermatologist Cricelda Valencia.
PHOTO/S: ISTOCK

Chocolates ang isa sa pinakamadalas na regalong natatanggap natin tuwing Pasko.

Pero hinay-hinay sa pagkain.

Ito ang reminder ng dermatologist na si Cricelda Valencia.

Bakit? Because it can trigger pimple or acne.

Paano?

Idinetalye ito ni Dr. Valencia sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang clinic sa Patient First Medical Center, Quezon City, noong November 22, 2019.

Sabi niya, "Before, sabi nila, there is no relationship between food intake and acne, but recent studies show it has a relationship.

"The food that you eat, especially sugary food and food high in starch, can increase a hormone—iyong insulin-like growth factor (IGF)."

Ang IGF o "somatomedin" ay isang hormone sa ating katawan that stimulates growth and lowers your blood glucose o sugar level.

Dagdag ni Dr. Valencia, "IGF also stimulates your sebaceous glands or oil glands to produce more oil."

At dahil chocolates produce more oil sa body, it is considered an inflammatory food.

Continue reading below ↓

"Iyong mga food like chocolates... basta iyong mga oily food, they're also called inflammatory food.

"It means that they promote inflammation inside the body," sabi ni Dr. Valencia.

Ang inflammation na ito ay siya namang nagdudulot ng acne sa iba't-ibang parte ng iyong katawan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So kapag ganoon, I advise my patients to talagang cut back on those kinds of food.

"It helps a lot din. It's difficult, but it helps a lot."

HOW MANY CHOCOLATES ARE YOU ALLOWED TO EAT?

Pero gaano karaming chocolates lang ba ang puwede mong kainin para hindi ka magkaroon ng pimple o acne?

Ang sagot ng dermatologist, "It depends pa rin sa skin type.

"There are some patients naman, even when they eat a lot of chocolates, wala pa ring nangyayari sa skin nila, e."

Hindi naman kailangang completely tanggalin ang chocolates sa iyong diet.

Ang importante, you eat it in moderation.

Continue reading below ↓

WHAT OTHER FOODS MAKE YOUR SKIN OILY?

Bukod sa chocolates, inirerekomenda rin ni Dr. Valencia ang paghinay-hinday sa pagkain ng iba pang oily o inflammatory food gaya ng "french fries at pizza" para mapanatiling flawless ang iyong skin.

Dagdag niya, "Even milk, iyong mga nag-te-take ng skim milk, iyong mga whey protein, so iyong mga body builders, they also get acne sa chest and even sa face, kasi they also take iyong mga kung ano-anong supplements."


Continue reading below ↓

HOW TO GET RID OF PIMPLE OR ACNE CAUSED BY CHOCOLATES AND OTHE INFLAMMATORY FOOD?

Sabi ni Dr. Valencia, the key to getting rid of this skin problem is by changing your skin-care regimen.

Ito ay dapat merong ingredients, tulad ng alpha hydroxy acid (AHA), Vitamin A, at topical antibiotics that are prescribed by your dermatologist.

Ang pagdedetalye niya, "Kapag na-fi-feel mo that you're becoming more oily, you can start using a mild cleanser, and then you can also start using toners with AHA or alpha hydroxy acid, iyong mga glycolic acids, para iyong mga dead skin cells mo won't clog your pores.

"Iyong AHA parang may konting exfoliating properties, e, so imbes na magbara siya sa mga pores mo na butas-butas ng face, mas maluwag siya kasi natatanggal mo siya, parang nasi-sweep away niya iyong dead skin cells mo.

"Apply ka rin ng topical antibiotics if you have breakouts. Of course, you have to consult your board-certified dermatologist.

"Apply Vitamin A derivatives like your retinoids, iyong naririnig nating tretinoin, retinoic acid, retinol, iyong mga iyon meron siyang konting peeling effect para hindi magbara ang pores."

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It helps your skin to save that chocolate bar for next time, according to dermatologist Cricelda Valencia.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results