Jessica Villarubin very happy with her new look: “This is what I want..."

by Rose Garcia
Mar 27, 2021
Jessica Villarubin then (inset) and now. The grand champion of The Clash Season 3 is proud to admit, "Nagpa-enhance po talaga ako..."
PHOTO/S: @jessicavillarubin on Instagram

Walang pag-aalinlangang inamin ni Jessica Villarubin na siya ay nagparetoke ng ilang bahagi ng kanyang mukha.

Hindi ito inilihim ng The Clash Season 3 Grand Champion dahil matagal na niya itong plano at pangarap.

"Nagpa-enhance po talaga ako," ang sabi niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa online media launch ng kanyang kauna-unahang single niya, and "Ako Naman," under GMA Records.

“This is what I want to do with myself. Kasi dati po, binu-bully po kasi ako. Nawala rin iyong confidence ko.

"Dati kasi, sinasabi sa akin na, 'Magaling ka lang kumanta, pero pangit ka, pango ilong mo.' Ayon po, marami pa.”

Kahit daw sa mga ilang audition na sinasalihan niya dati, alam niyang hindi siya natatanggap minsan dahil sa kanyang pisikal na anyo.

“Ewan ko ba, nagda-doubt ako sa self ko dati, pero I’m very positive naman. Kahit ganun nangyari sa buhay ko, always kong iniisip na positive pa rin ako at focused ako sa mga taong nagmamahal sa akin.”

Continue reading below ↓

Pero sa career niya bilang singer, malaking boost sa confidence ang pagiging kumportable sa sarili kapag kumanta sa stage o kapag humarap sa camera.

Ani Jessica, “Naisip ko talaga ang magpa-enhance kasi, I want to be more confident with myself. Dati talaga, nako-concious ako on how do I look.

“Iyong feeling ko ngayon, iba talaga. Parang Jessica na super confident ngayon. Dati naman, confident ako, pero iba ngayon, happy ako.”

Ipinaalam rin daw niya ito sa nanay niya at sinuportahan naman siya.

“Dati kasi, parang iniisip ko lang siya na what if kaya… so ayon nga, after winning The Clash, sabi ko, gusto ko na siyang gawin.”

Ang ilan sa procedure raw na ginawa sa kanya ay rhinoplasty sa kanyang mata at ilong, saka nilagyan rin ng fats ang kanyang mukha.

Natawa naman si Jessica nang tanungin namin kung masaya na siya sa naging resulta ng enhancement niya o may iba pa siyang planong ipagawa.

Continue reading below ↓

“I’m okay na po, as in, super happy ako. Kapag nakikita ko ang self ko sa camera, hala, I’m so happy,” natawa niyang sabi.

JESSICA VILLARUBIN ON HOW THE CLASH CHANGED HER LIFE

Halos apat na buwan matapos niyang manalo sa The Clash Season, ramdam raw ni Jessica ang mga pagbabago sa kanyang buhay.

“First po na nabago, siyempre, iyong buhay namin. Iyong family ko po, mas nabibigyan ko na sila ng magandang buhay. Kasi po, iyon naman po talaga ang rason ko kung bakit ako sumali sa The Clash.

“And as in, nag-iba po talaga.

“Parang kasi dati, simple lang ang buhay namin. Ngayon, hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"Siyempre ngayon, marami na ang nakakakilala sa akin. Marami na ang umiidolo sa akin.”

Ikatlong grand champion ng The Clash si Jessica, ano ang kaibahan niya sa dalawang naunang winners na sina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco?

Continue reading below ↓

“Siguro po, si Golden, actually, I know Golden po, sobrang galing ng batang iyon. Jeremiah, super galing.

“Lahat naman po talaga kami may kanya-kanyang galing. So siguro iyong sa akin lang, iyong range ko at iyong voice quality. Iba-iba kasi kami. Lahat ng singers naman, iba-iba ang voice quality, doon talaga magkakaiba-iba.”

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessica Villarubin then (inset) and now. The grand champion of The Clash Season 3 is proud to admit, "Nagpa-enhance po talaga ako..."
PHOTO/S: @jessicavillarubin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results