Gamer Kayla Heredia flattered to be tagged as Nadine Lustre look-alike

by Rose Garcia
Apr 19, 2021
On being labeled as the look-alike of Nadine Lustre, Kayla Heredia says, "Okay lang po...Nadine Lustre iyan. Sikat 'tapos magaling na artista.”
PHOTO/S: @kayheredia @nadine on Instagram

Sa community ng mga gamers namamayagpag ang pangalan ni Kayla Heredia, na may 2.9M followers sa Facebok.

Sa mga showbiz fans naman, kilala siya dahil sa pagkakahawig niya sa aktres na si Nadine Lustre.

Sa unang tinigin, iisipin mong magkapatid ang dalawang dalaga.

At sabi ni Kayla, araw-araw raw niya itong nababasa sa mga comments sa streaming niya.

Continue reading below ↓

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan via Zoom, ang natatawa niyang sabi, “Sanay na po. Palagi po, palaging may nagsasabi. Kahit sa live streaming ko, palaging mababanggit ang name niya.”

Okay lang daw sa kanya na nakikita siyang kamukha ni Nadine. Although, hindi pa raw niya ito nakikita nang personal.

Ani Kayla, “Okay lang po, siyempre, Nadine Lustre iyan. Sikat 'tapos magaling na artista.”

Kayla Heredia, Nadine Lustre look-alike

Continue reading below ↓

Pero may mga comment daw na hindi sinasagot o ine-entertain ni Kayla lalo na kapag sinasabing mas maganda pa siya sa actress.

Paliwanag niya, “Hindi ko po sinasagot, I don’t like that naman that they say negative things to others. And eventually, baka ma-bash, I don’t like that.”

Nagkakilala na sila ni James Reid, ang nobyo ni Nadine?

Nakangiting tugon ng famosang gamer, “Hindi naman po iyong nagkakilala, pero, nakita ko po siya sa isang bar.

"Nagtama lang iyong eyes namin. Ako naman, siyempre, wow, James Reid, guwapo, gano’n lang naman.”

Taong 2018 noong sinubukan ni Kayla ang pag-aartista. Naging kasama siya sa cast ng tatlong Regal movies—Wild and Free (2018), Ang Henerasyong Sumuko Sa Love (2019), at Elise (2019).

Taong 2020, panahon ng pandemya, nang sinubukan niyang mag-live streaming sa Facebook, kung saan sa loob lamang ng isang taon ay angkaroon siya ng mahigit na dalawang milyong followers.

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On being labeled as the look-alike of Nadine Lustre, Kayla Heredia says, "Okay lang po...Nadine Lustre iyan. Sikat 'tapos magaling na artista.”
PHOTO/S: @kayheredia @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results