Aiko Melendez cheered on by fellow celebrities for looking "bagets"

by Rommel Gonzales
Jun 21, 2021
Is that you, Aiko Melendez? Yes, siya po iyan, looking "bagets" and pretty at the age of 47.

Pinag-usapan at nag-viral ang litrato na ipinost ni Aiko Melendez sa kanyang social media account.

Mukha kasing high school student ang 45-year-old actress dahil sa suot niyang T-shirt at maong shorts with matching hairclip.

At napansin ito ng mga kapwa niyang artista.

"Bagets," ang komento nina Zsa Zsa Padilla at Ruffa Gutierrez.

Continue reading below ↓

Ang sambit naman ni Megastar Sharon Cuneta, "Sis umandar ang clock pabalik?!!! Super youthful and beautiful!!!"


Aiko Melendez

Continue reading below ↓


Aiko Melendez

Continue reading below ↓

Samantala, may mga nag-akalang si Marthena, ang 14-year-old daughter ng aktres, ang nasa litrato.

Just to give you an idea, heto na po ang hitsura ng dalaginding ni Aiko. Halos magkasing-tangkad na sila.

Anak ni Aiko si Marthena sa dating model na si Martin Jickain.

Aiko Melendez, Marthena Jickain

Paano ba na-achieve ni Aiko na magmukhang bagets?

Continue reading below ↓

"Nagpapayat po kasi ako," panimula ni Aiko nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media sa isang Zoom interview noong nakaraang Huwebes, June 17, 2021.

Bukod sa pagkakaroon ng regular fitness routine na nagsimula pa noong 2016, nagda-diet siya base sa meal plans ng Keto Vegetarian PH.

Nabanggit niya sa kanyang Instagram post, "Plus machines at The Icon clinic Eric-Vina Yapjuangco. Thanks, Im happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late. I'm also taking Theobroma cacao drink to keep me healthy and younger looking."

Nakakabata rin daw ang kanyang hair extensions.

Ang sabi niya sa PEP.ph, "I guess iyong hair ko talaga did a lot of...Siguro nabawasan ako ng ilang years dahil sa long hair.

"'Tapos po, iyon, siguro iyong weight talaga ang nag-trigger para... nakakahiya naman na galing sa akin na nagmukha akong bata," at tumawa ang aktres.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is that you, Aiko Melendez? Yes, siya po iyan, looking "bagets" and pretty at the age of 47.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results