Sarah Geronimo stunning in shortest hair yet

by Jojo Gabinete
Jun 28, 2021
Sarah Geronimo debuts her shortest hair, which makes her look more chic!

Ginulat ni Sarah Geronimo ang fans niya dahil sa kanyang new look sa online concert nila ng asawang si Matteo Guidicelli.

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Para ito sa 5th anniversary ng isang membership shopping store na naganap ngayong gabi, June 27, 2021.

Nasorpresa ang fans ni Sarah dahil sa pixie haircut nito.

May mga nagduda na gumamit ng wig ang Popstar Royalty tulad ng nangyari sa mga pinagbidahang pelikula, gaya ng You Changed My Life, na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Continue reading below ↓

Pero ayon sa nakausap ng Cabinet Files na isang staff member ng concert nila ng kanyang asawa, "It’s her real hair.”

Dagdag pa ng staff member, "First time ni Sarah na magpagupit nang maiksi kaya nanibago at hindi makapaniwala ang fans niya. Ito yung shortest hair ni Sarah mula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career."

Sa matagal na panahon, mahaba ang buhok ni Sarah. Noong March 2014, sinubukan niya ang bob hairstyle...

Sarah Geronimo short hair 2014

Continue reading below ↓

Noong March 2019 naman, naging short straight ang gupit niya.

Sarah Geronimo short hair 2019

Para sa bago niyang hairdo, aprubado ito ng mga tagahanga ni Sarah dahil lalong umaliwalas ang itsura nito at bakas sa kanyang mukha na maligayang-maligaya siya sa piling ni Matteo.

"Bagay na bagay sa kanya," "gandang hindi nakakasawa," "siguradong news bukas ang kanyang new hairdo at marami ang gagaya sa buhok niya," ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens tungkol sa new hairdo ng 32-year-old singer-actress.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo debuts her shortest hair, which makes her look more chic!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results