Cassy Legaspi reveals Lolo Lito Legaspi's dream for her

by Rommel Gonzales
Aug 29, 2021
Cassy Legaspi recalls when his lolo Lito Legaspi was still alive, he would encourage her "to be a beauty queen sana."
PHOTO/S: @cassy on Instagram, File

"Ang ganda, ang ganda. Galing, galing!"

Ito raw sambit ni Cassy Legaspi nang malaman niyang siya ay isa nang Palmolive Girl.

Binanggit during her mediacon noong August 23, 2021, na pareho na sila ng mommy niyang si Carmina Villarroel, na in-endorso rin ang naturang shampoo brand noong kabataan niya.

"Well, I'm really, proud ako sa sarili ko because... I'm not really trying to follow my mom's footsteps pero if I do... Wow, grabe," sabay-tapik ni Cassy sa kanyang balikat.

At kahit pa may pandemya, "excited" ang dalaga sa mga possibilities para sa kanyang career, at "proud" rin sa mga milestones, gaya ng pagiging bahagi ng First Yaya, na first teleserye niya.

Dugtong ni Cassy, "...but parang I don't wanna say na parang pressured ako, but I guess it's more on excited ako sa future projects and all of that, or yung journey ko, where I will go.

"So I'm more excited... and proud."

Continue reading below ↓

NO TO SHORT HAIR

Tungkol naman sa buhok, kaya rin ba niyang mag-eksperimento pagdating sa kanyang mahabang buhok? Noong dalaga pa si Carmina ay nagpagupit ito nang maigsi.

Carmina Villarroel, Palibhasa Lalaki

Umiling ang 20-year-old Kapuso.

"Parang ayoko po," sabay hawak ni Cassy sa kanyang buhok habang natatawa.

Continue reading below ↓

"Gusto ko pong palaging mahaba."

Siguro raw ay kakayanin niya na magpagupit nang hanggang balikat, pinakamaigsi na niyang kakayanin sa buhok niya.

"Siguro pag may role na short [hair] pero hanggang dito lang," sabay muwestra niya sa kanyang balikat.

"Hindi ko kaya, e, mahal ko talaga yung buhok ko," at muling tumawa ang Kapuso star.

Sa buong buhay raw niya ay hanggang balikat lamang ang nasubukan niyang pinakamaigsing hairstyle.

CASSY ON JOINING BEAUTY PAGEANTS

Nakasama ni Cassy sa First Yaya ang mga beauty queens na sina Thia Thomalia (Miss Eco International 2018) at Maxine Medina (Binibining Pilipinas Universe 2016).

Very supportive at encouraging sila na sumali sina Cassy at Sanya Lopez sa alinmang beauty pageants sa Pilipinas, na eventually ay daan para sa isang international beauty title.

Nasa listahan ba ng mga pangarap ni Cassy ang maging isang beauty queen?

"Well... wow," at muling natawa si Cassy. "Well, from what I hear from si Ate Max, Maxine Medina, and Ate Thia, it takes hard work and dedication.

Continue reading below ↓

"And you think it's all beauty-beauty, ganun lang, but it's more than that.

"And I feel like... I'll just give that na lang to them."

Hindi naiisip ni Cassy ang maging beauty queen siya, pero pangarap daw ito ng kanyang namayapang lolo sa kanya.

Aniya, "Although before kasi yung lolo ko, the dad of my dad, yung dream niya para sa akin is to be a beauty queen sana."

Ang tinutukoy ni Cassy ay ang veteran actor na si Lito Legaspi, na ama ng daddy ni Cassy na si Zoren Legaspi.

"Sasabihin niya, 'Hmmm ang tangkad mo, ang ganda mo.' 'Lolo, okay lang, huwag na, huwag na po," ang tumatawang kuwento pa ni Cassy.

Bakit ayaw niya sumali sa beauty pageant?

"Well, parang... hindi pa ako confident pa sa mga ganun. I mean it's an honor pero... we'll never know. Bata pa po ako.

"So baka, baka next year? Wow!

Continue reading below ↓

"We'll never know."

Sa ngayon ay si Kisses Delavin ang Kapuso na kasali sa Miss Universe Philippines.

"Yes, si Kisses muna. Go, Kisses," ang sinabi pa ni Cassy bilang suporta kay Kisses.

Next year ay baka sila na ni Sanya Lopez ang sumali sa beauty pageant?

"Sanya, tara! Tara, sis! Mag-ano na tayo next year," wika pa ni Cassy habang pumo-pose na tila isang beauty queen.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassy Legaspi recalls when his lolo Lito Legaspi was still alive, he would encourage her "to be a beauty queen sana."
PHOTO/S: @cassy on Instagram, File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results