Lady Gaga’s half-Pinoy hairstylist Frederic Aspiras gets Oscars 2022 nomination

by Bernie V. Franco
Mar 23, 2022
frederic aspiras
Lady Gaga's friend and hairstylist for 15 years is Filipino-Vietnamese-American Frederic Aspiras, the first-ever with Pinoy blood nominated for Makeup and Hairstyling category at the Oscars.
PHOTO/S: @fredericaspiras on Instagram

Isang hairstylist na may dugong Pilipino ang nakakuha ng nominasyon sa napakailap na Oscars, ang prestihiyosong award-giving body sa Hollywood.

Si Frederic Aspiras, isang Filipino-Vietnamese-American hairstylist, at dalawa pang katrabaho, ay nominado sa upcoming Oscars para sa Best Make-up and Hairstyling category.

Ito ay para sa Hollywood movie na House of Gucci, na pinagbibidahan nina Al Pacino, Adam Driver, at singer-actress Lady Gaga, na siyang kaibigan ni Frederic.

Si Frederic ang hairstylist ni Lady Gaga sa loob ng 15 years. Siya ang nag-style kay Lady Gaga sa 2014 movie A Star Is Born.

Si Frederic ang kauna-unahang may dugong Pilipino na nabigyan ng Oscars nomination sa nasabing kategorya.

Frederic Aspiras

Continue reading below ↓

Sabi ng hairstylist sa ulat ni Yong Chavez ng ABS-CBN News, March 22, 2022, hindi raw niya sukat akalain na mano-nominate siya dahil marami na siyang naranasang rejection.

Ang nais lamang niya ay pagbutihin ang trabaho,

Sabi ni Frederic, “Never in a million years [I did] think someone like me could make it this far. I only dreamed about it, and hoped and prayed that I can do achieve.”

FREDERIC’S PARENTS

Si Frederic ay anak ng Pilipinong si Panfilo Aspiras na taga-Batangas.

Nagtrabaho si Panfilo bilang engineer sa Vietnam noon at doon niya nakilala at napangasawa ang Vietnamese na si Suzie Nguyen.

Nang maganap ang Vietnamese war, lumipad ang pamilya ni Frederic sa isang refugee camp sa Arkansas, sa Amerika.

frederic aspiras father

Continue reading below ↓

frederic aspiras

(TOP: A young Frederic Aspiras with his Pinoy dad Panfilo Aspiras. BOTTOM: Frederic with his late mom Suzie Nguyen)

Nagsimula sa pinakaibaba ang mga magulang ni Frederic para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.

Kuwento ni Frederic, ang kanyang Pilipinong ama ang nagturo sa kanyang sumayaw, kumanta, at umarte.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, si Frederic ay kumuha ng theatre arts at naging aktor sa murang edad.

Habang nag-aaral noon, tumatambay siya sa salon ng kanyang ina at natutong maggupit.

WORK FOR HOUSE OF GUCCI

Sa kabilang banda, muntik nang tanggihan ni Frederic ang trabaho sa pelikulang House of Gucci.

Limang buwan kasi bago simulan ang shooting, namatay ang kanyang ina.

Mahirap daw ito sa kalooban ni Frederic dahil ang lahat ng natutunan niya sa hairstyling ay mula sa ina.

Pero hinikayat raw siya ni Lady Gaga na tanggapin ang proyekto.

Pagbabahagi ni Frederic, “She's like, ‘We need to do this for your mom. We need to prove to her and show and represent and honor her.’

“So with that, I just persevered and I remembered every single thing she taught me.”

Ibinuhos daw ni Frederic ang kanyang buong puso sa trabaho na aniya’y tila “love letter” niya sa kanyang ina.

Para sa House of Gucci, gumamit si Frederic ng 10 wigs para kay Lady Gaga para hindi na kailangang gupitin ang kanyang buhok.

Continue reading below ↓

Bukod sa Oscars nomination, marami na ring award at nominasyong nakuha si Frederic.

Ginawaran siya ng Variety Artisans award sa Santa Barbara International Film Festival kamakailan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lady Gaga's friend and hairstylist for 15 years is Filipino-Vietnamese-American Frederic Aspiras, the first-ever with Pinoy blood nominated for Makeup and Hairstyling category at the Oscars.
PHOTO/S: @fredericaspiras on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results