Ivana Alawi grants her helper's wish for a nose job

by Bernie V. Franco
Jun 15, 2022
ivana alawi
In her recent YouTube vlog, Ivana Alawi explains her helper Mae experienced bullying from other people and relatives because of her nose. (Insert) Mae having a consultation with celebrity doctor Dra. Vicki Belo.
PHOTO/S: YouTube (Ivana Alawi)

Tinupad ni Ivana Alawi ang pangarap ng isa sa kanyang kasambahay na magkaroon ng “pa-ilong” o nose job.

Ang kasambahay na si Mae ay apat na taon nang nagtatrabaho sa pamilya ni Ivana.

Single mom si Mae at ang kapatid nitong si KC ay kasama niya ring nagtatrabaho kina Ivana.

Ayon sa vlog ng aktres nitong June 14, 2022, madalas daw ma-bully si Mae noon sa school dahil tinutuksong malaki ang ilong.

Pagbabahagi ni KC kay Ivana, “Lagi siyang binu-bully na baboy kasi nga yung ilong niya malaki. Ang masama pa yung sarili mo pang kadugo…”

Ikinuwento naman ni Ivana kung paano niya nalamang gusto ni Mae na magparetoke ng ilong.

“Kinausap niya ako, actually, last December,” bungad ni Ivana.

Higit tatlong taon nang nagtatrabaho si Mae kina Ivana at hindi pa raw ito umuuwi sa probinsiya.

Patuloy ng aktres, “E, single mother siya. Sabi ko nga, ‘Mae, umuwi ka na kasi nga para makita mo yung anak mo,’ ganyan.

Continue reading below ↓

“’Tapos sabi nga niya sayang yung gastos. E, siyempre, lahat ng pera niya ginagastos din niya sa anak niya, pinapadala niya ang sahod niya.”

Kaya’t hindi raw nakakaipon si Mae sa pangarap niyang magpagawa ng ilong, at nagsabi na nga ito kay Ivana na tulungan siya sa kanyang pangarap.

“Sabi niya kung puwede magpa-ilong ‘tapos huhulugan niya sa akin, parang installment.

“Yun lang ang gusto niya, na ma-feel yung confidence sa sarili.”

Hinimok daw ni Ivana ang kasambahay na huwag itong ituloy dahil maganda naman ito.

Pero gusto raw talaga ni Mae na magpagawa ng ilong.

Inusisa raw ni Ivana si Mae kung kaninong doktor nito ipapagawa, at sagot daw ni Mae ay kahit saan.

“Sabi ko, ‘Ilong iyan, mukha iyan. Pag nagkamali, forever na iyan, nasa mukha mo na iyan,’” sabi naman ni Ivana.

Kaya nagdesisyon si Ivana sorpresahin si Mae para tuparin ng hangad nito.

Katwiran ng aktres, “It’s her body and gagawin ko kung ano yung makakapagbibigay sa kanya ng confidence, at kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. Just share love.”

Continue reading below ↓

Dinaan muna ni Ivana sa prank ang sorpresa kay Mae kaya naiyak muna ito.

ivana alawi

Pero natuwa ang kasambahay nang sabihin ni Ivana na pupunta sila sa clinic ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Si Dra. Vicki mismo ang nagpaliwanag kay Mae ng proseso ng gagawing nose job.

Continue reading below ↓

Sabi ng doktor, ang gagawin sa kasambahay ay nose restructuring at hindi nose lift.

Sinabi rin ni Vicki na ang mahusay nilang doktor ang gagawa mismo sa ilong ni Mae.

Titingnan daw ng doktor ang babagay na ilong sa pasyente bago gawin ang surgery.

Binanggit ng doktora na ang surgery ay magtatagal ng ilang oras.

Ini-schedule ang nose job ni Mae at sinabi ni Ivana na ipapakita sa susunod niyang video ang resulta ng nose job ng kanyang kasambahay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her recent YouTube vlog, Ivana Alawi explains her helper Mae experienced bullying from other people and relatives because of her nose. (Insert) Mae having a consultation with celebrity doctor Dra. Vicki Belo.
PHOTO/S: YouTube (Ivana Alawi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results