Muling sumailalim sa isang cosmetic enhancement ang singer na si Katrina Velarde.
Sa kanyang Facebook kahapon, March 16, 2023, ibinahagi ni Katrina ang aniya’y pagpapatuloy ng kanyang “robot journey.”
Ang ipinagawa naman niya sa pagkakataong ito ay non-surgical nano double eyelid, kung saan nagpalagay siya ng eyelid o talukap ng mata.
Bahagi ng kanyang post, “You know that I'm very open sa mga robot journey ko! Lol. Here's my Non Surgical Nano Double Eyelid... dahil wala po talaga akong talukap [heart emoji]
"It's still swollen though but i'll let post the resultt after 5 days [heart emoji]"
Noong 2019, inamin din ni Katrina na nagpaayos siya ng ilong.
Hindi naman daw ito nakakaapekto sa kanyang boses dahil walang pagbabago sa boses ng singer hanggang ngayon.
Read: Katrina Velarde, pinatunayang walang epekto sa boses ang pagpapaayos ng ilong
Noong March 6, 2021, nag-post si Katrina sa Facebook page nito ng litrato niya habang nakahiga sa operating table.
Tanda ito na muli siyang sumailalim sa cosmetic surgery.
Caption niya rito (published as is): "Tinotoo ko na po ang chismis. It’s a konpirm. Hindi na po road to robot dahil ganap na robot na! Hahahha!”
Read: Katrina Velarde, hindi inilihim ang pagsasailalim muli sa cosmetic surgery
Samantala, blooming naman ngayon ang love life ni Katrina dahil noong nakaraang linggo lamang ay ipinakilala niya sa Facebook ang kanyang bagong boyfriend na foreigner.
Read: Katrina Velarde introduces new foreigner boyfriend more than a year after American husband's death
Ito ang ikalawang dayuhan na naging karelasyon ng singer matapos ang isang taon at apat na buwan mula nang pumanaw ang kanyang asawa, ang American musician na si Mike Shapiro, noong November 14, 2021.
Read: Katrina Velarde's husband Mike Shapiro passes away at 57; singer asks for privacy to mourn