Pinahanga ng beauty influencer na si Patricia Lichtenberger ang netizens dahil effortless para sa kanya ang magmukhang bata ng 20 years gamit ang make-up at filter.
Nakilala ang 48-year-old resident ng Kansas, USA, sa kanyang video transformations sa Tiktok account niyang @gemluvabeauty.
Nagsimulang maging TikToker noong 2016, mayroon na siyang two million likes at 147.9K followers at press time.
Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis
Read: Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian
Pero hindi walk in the park ang kanyang journey sa short-form video hosting service.
Ayon kay Patricia, nang magsimula siyang mag-post ng make-up videos ay tinawag siya ng mga tao na “ugly.”
Ang iba ay nagkomento ng: “What’s wrong with your face?"
Tinawag din siyang "catfish."
Sa social media, ang catfish ay tumutukoy sa isang tao na gumagamit ng ibang identity at information.
May pagkakataon ding ang isang catfish ay nagnanakaw ng identity ng ibang tao gaya ng photos, date of birth, at geographical location.
Paro pagtitiyak ni Patricia, “That wasn’t my mission.”
Read: True story: Pambihirang pagkakaibigan ng leon at aso
Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo
Matagal na raw niyang gustong i-share sa social media ang kanyang before-and-after videos.
Aminado siyang nasaktan at na-depress noon dahil sa mga natanggap na komento mula sa netizens, pero dahil sa kanyang pambihirang skills, para rin siyang catfish na nagbabago ang hitsura.
"So that day, I decided to make that video to show them. So yeah, I guess I am a catfish!"
Sa isang video ay makikita ang wala pang make-up na si Patricia, at sinasabayan ng kanta ang background music.
Read: Kelan dapat pindutin ang emergency button sa LRT?
Read: Meet JB Pagkatipunan, basketball player na naka-score ng 82 points sa isang liga
Hinawakan niya ang kanyang buhok at ginawa niyang big bun.
Sinimulan na rin niyang maglagay ng make-up sa mukha.
Tinapos niya ang video sa paglalagay ng purple glitter eyeshadow, saka siya nagsabit ng big gold hoops sa magkabilang tainga.
Gumamit din siya ng popular TikTok filter na Bold Glamour.
Reaction ng ibang nakapanood ng video ni Patricia, bumata siya ng 20 years sa kanyang makeover.
Marami rin ang nagandahan sa kanya.
May nagkomento pa na inakala nitong mother and daughter ang mga mukha sa before-and-after videos.
Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert
Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs
Para naman kay Patricia, gusto lang niyang ipakita ang pagkakaiba sa pagitan ng natural beauty kumpara sa may make-up o filter para palaganapin ang body positivity.
Aniya, "I’m just me, and being weird is okay for me because life is too short. You can just spread some love.”
Dahil din sa kanyang videos, hindi na siya nasasaktan sa mga naririnig o nababasa.
Dumami kasi ang kanyang TikTok fans na sumuporta at naunawaan ang kanyang mga pinagdaanan.
“I am who I am because of my fans.”
Wala aniyang perpekto sa ating mundo.
Paalala pa niya, “Looks may be deceiving, but I am always real."
Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers