Bukod sa National Planetarium, maari ring bisitahin ng mga kababaihan ang ilang historical sites sa Intamuros nang libre sa March 8, 2020.
Ito ay bilang pakikiisa ng Intramuros Administration sa worldwide celebration ng International Women's Day sa araw na iyon.
Inanusiyo ito ng Philippine Commission on Women sa Facebook page nito noong February 28, 2020.
Ang mga lugar na puwede nilang pasukin nang libre sa loob ng Intramuros ay ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, and Baluarte De San Diego.
FORT SANTIAGO
Ang Fort Santiago ay isa sa mga pinakakilalang tourist destinations sa Metro Manila.
Itinayo ito between 1589 and 1592 bilang headquarters ng mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas noong panahon na iyon.
Ito ay bukas para sa mga bisita mula 8 a.m. hanggang 11 p.m. araw-araw.
Kabilang sa makikita dito ay ang iconic na Fort Santiago gate.
Naroon rin ang American barracks kung saan naka-display ngayon hanggang March 31, 2020, ang exhibit ng U.S. Embassy in the Philippines entitled, Allies for Freedom: Portraits of Filipino and American Courage in World War II.
Ang dungeons ng Baluarte de Santa Barbara...
Nasa Fort Santiago rin ang museo ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.
CASA MAnila
Ang Casa Manila ay isang three-story Spanish-inspired house located in Plaza San Luiz complex in Intramuros.
Dito, makikita mo ang magagarang kagamitan ng isang mag-anak na nagkaroon ng luxurious lifestyle noong Spanish era dito sa Pilipinas.
Ito ay bukas sa publiko from 9 a.m. to 6 p.m. mula Tuesday hanggang Sunday.
BALUARTE DE SAN DIEGO
Ang Baluarte de San Diego, ayon sa Heritage Conservation Society, ay dinisenyo at ipinatayo ni Jesuit priest Antonio Sedeno mula 1586 hanggang 1587 bilang proteksiyon ng Maynila laban sa mga kalaban nito noong Spanish era.
Ito ay bukas sa publiko mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. araw-araw.
Aside from the site's sprawling garden and ancient walls, makikita rito ang labi ng circular fortress. Nag-umpisang mabuwag ang iconic stone structure nang lumusob ang British Forces in 1762, dahil sa earthquake nuong 1863, at sa kasagsagan ng Battle of Manila noong 1945.
View this post on Instagram