Ryza Cenon holds baptism for baby; plans to bring him to lock-in taping

by Rose Garcia
Jan 28, 2021
Ryza Cenon and partner Miguel Antonio Cruz welcome their son Night to the Christian world on January 26, 2021.
PHOTO/S: Rose Garcia

Bininyagan na si Baby Night, ang two months old na anak ng actress na si Ryza Cenon sa kanyang partner na si Miguel Cruz.

Sa Christ The King Parish, Filinvest 2, Quezon City bininyagan si Baby Night, at ang reception ay sa Lola’s Café, Quezon City noong January 26, 2021 ng umaga.

Ryza Cenon, Miguel Antonio in baby baptism

Continue reading below ↓

Dahil sa safety protocols, karamihan sa mga napiling ninong at ninang nina Ryza at Miguel ay nag-participate sa pamamagitan ng Zoom app.

Para naman sa lahat ng bisitang dumating at staff ng restaurant, may pa-antigen swab test ang couple.

NIGHT'S FULL NAME

Samntala, kung karamihan sa mga magulang ay nagbibigay ng mahabang pangalan sa kanilang newborn babies, heto at talagang Night lang ang napili nina Ryza at Miguel ipangalan sa anak.

Sa eklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres sa Lola’s Café, sinabi niyang isa lang talaga ang first name nito, kaya ang buong pangalan ng anak niya ay Night Cruz.

"Night lang talaga. Kasi, naisip namin para hindi siya mahirapan magsulat ng pangalan niya, di ba. Kapag masyadong mahaba, kawawa naman.”

Samantala, nasa 30 raw ang bilang ng mga tumayong ninong at ninang ni Baby Night. Kabilang sa mga napiling ninang ni Ryza ay ang maituturing na mga old friends na rin niya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Aniya, “Tinodo ko na talaga siya kaya lahat-lahat, nasa 30 siya. Siyempre, hindi puwedeng mawala sina Chynna Ortaleza, LJ Reyes. Si Chariz Solomon, ninang din. Si Boss Veronique del Rosario, sa Viva family ko.

"Kuya ko, kinuha ko rin. Sa akin yung girls, kay Miguel yung boys. Mas marami yung boys sa kanya.

“Ayoko naman siyempreng may mangyari sa amin, pero, kung may mangyari, alam ko na sila yung magga-guide kay Night. Hindi kami after sa gift, do’n kami sa alam naming mag-aalaga at magga-guide sa kanya.”

Tawa naman nang tawa si Ryza sa tanong na: Sino sa kanilang dalawa ni Miguel ang mas kamukha ni Night?

“Si Gong Yoo,” ang natatawang sagot ng StarStruck ultimate survivor ng batch 2.

Night Cruz

Continue reading below ↓

Si Gong Yoo ay ang South Korean actor na bida sa dramang Goblin, na ilang beses daw na pinanood ni Ryza noong buntis pa siya.

“Kapag tinapat mo yung picture niya talaga, kay Gong Yoo,” natatawang sabi pa rin niya.

“Noong buntis ako, yun lang talaga ang ginagawa ko, nanonood ako ng Goblin. Paulit-ulit ko yung pinanood. Pero kasi, baby pa kaya hindi ko pa makita kung sino talaga ang kamukha niya.

“Pero si Miguel, gusto niya na ako ang kamukha, sa kanya yung height dahil lalaki.”

Miguel Antonio Cruz carrying baby night

Continue reading below ↓

Kahit na may pandemic, nagdesisyon na rin daw silang pabinyagan ang anak dahil plano na raw bumalik ni Ryza sa taping o shooting, kasama niya ang anak.

“Kapag balik work na kasi ako, isasama ko siya. So ayaw naman namin na wala pang blessing. Hinabol namin na before akong mag-work, ma-bless na siya.

"Tinanong ko rin ang pedia niya since magla-lock-in taping nang matagal, sabi ng pedia niya, isama ko raw. Mas okay raw na kasama ko.”

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon and partner Miguel Antonio Cruz welcome their son Night to the Christian world on January 26, 2021.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results