Glaiza de Castro reveals few details about her wedding

by Glenn Regondola
Mar 3, 2021
Glaiza de Castro and David Rainey have started planning for their wedding, but the date is yet to be determined. The actress says, "...we’re playing it by ear kung kailan ulit magbubukas ang Philippines para sa mga tourist."
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram

May update si Glaiza de Castro tungkol sa wedding plans nila ng kanyang fiancé, ang Irishman na si David Rainey.

Kung matatandaan, inanunsiyo ni Glaiza ang kanilang engagement sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong December 24, 2020. habang siya ay nasa Ireland. Halos isang buwan din siyang nagbakasyon sa nasabing European country.

Kaya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang araw bago siya bumalik sa Pilipinas noong nakaraang buwan, agad siyang tinanong tungkol sa mga huling plano nila.

Kuwento ng 33-year-old Kapuso actress, “’Iyong isa po sa pini-fgure out namin ay kung kelan kami magkikita. Kasi walang puwedeng kasal na magaganap kung di pa kami magkikita ulit.

“So we’re playing it by ear kung kailan ulit magbubukas ang Philippines para sa mga tourist.

“Pero, siyempre, naiintindihan namin na mahirap sa ngayon talaga.

“Kailangan nating di mag-take risk, kailangan natin na mag-ingat, kasi siyempre ang hirap din ng mga pinagdadaanan ng mga frontliner, at even sa UK [United Kingdom] nahihirapan po sila.”

Continue reading below ↓

Baka sa susunod na taon pa maganap ang kasal dahil na din sa dami ng commitments na kailangang tapusin ng aktres.

GLAIZA DE CASTRO ON WEDDING DETAILS

Nagbigay si Glaiza ng maliliit na detalye tungkol sa kanyang upcoming wedding.

Aniya, “Definitely ano ito, beach wedding. Mahilig kami sa beach parehas.

“Iyong gown, it would be something na kumportable siyang isuot.

“Basta meron akong kinausap na designer.

“Gusto kong maging kumportable ako sa isusuot ko, kasi buong araw iyon, di ba?”

May mga nagsasabing sa Siargao ito gaganapin dahil nga doon sila unang nagkakilala at naging magkaibigan muna bago naging magkasintahan.

Saad niya, “Puwede naman, pero, plinaplano pa muna namin iyong logistics kasi….

“Sa Baler? Puwede naman kaso ang layo ng biyahe.

“So iyong family ni David kung manggagaling ng UK 'tapos babiyahe.

“Well, kinu-consider namin ang Siargao kasi significant for us, pero as of now, ano, pahapyaw-hapyaw lang na pagpaplano.”

Continue reading below ↓

Pero natapos na raw nila ang kanilang prenuptial pictorial.

Ani ni Glaiza, “Natapos na namin iyon sa Ireland.

“Kasi sabi ko, sayang naman.

“Kung aalis ako na… at di naman ako ma-vlog, may photographer na naka-collaborate for my music video, kaya isinabay na rin namin iyong engagement video.

“Pero iyong wedding, ideally, gusto ko po talaga dito.

“Siyempre, nandun na nga iyong engagement so….

“Pero siyempre, gusto ko dalhin doon [ang parents ko] para makita nila kung gaano kaganda iyong lugar nina David, and at the same time, gusto ko rin sa family niya na makita kung gaano kaganda dito sa Philippines.”

Dahil pandemic pa rin nga, sisiguruhun raw nina Glaiza at David na susundin nila ang lahat ng health protocols na mandated ng government, pati na rin ang limitasyon sa mga bisitang iimbitahan nila.

Definitely raw, hindi mawawala sa listahan niya ang mga kaibigan niya sa showbiz, katulad ni Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

Tuloy pa rin daw ang kanyang singing at showbiz career dahil naiintindihan naman daw ng mapapangasawa ang kanyang propesyon.

Use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro and David Rainey have started planning for their wedding, but the date is yet to be determined. The actress says, "...we’re playing it by ear kung kailan ulit magbubukas ang Philippines para sa mga tourist."
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results