Kris Bernal reveals big chunk of wedding budget will go to swab test

by Rose Garcia
Jun 13, 2021
June 5, 2021 was supposed to be the wedding of Kris Bernal and Perry Choi. But, for the second time, it got postponed again due to the surge in COVID-19 cases.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

Dalawang beses nang na-move ang dapat ay wedding date ni Kris Bernal at ng kanyang fiancé na si Perry Choi.

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom noong June 6, 2021, “Second date na namin ang June 5. Ang original date namin, month of May. Birthday ko, as in, pre-pandemic pa ito, ha."

May 17 ang birthday ng StarStruck alumna. At that time, habang nagpaplano sila, ang problema nila ay venue.

Sa pagpapatuloy ni Kris. “...noong nagpa-plan kami, puno na rin iyong mga churches, iyong venue na gusto namin, so na-move kami ng June 5.

"And then, iyon na talaga, by April, kumpleto na ang guest list namin. Kumpleto na ang venue, lahat ng suppliers, okay na sa schedule.

“Nagsukat na ako, as in, ready na. Ready na ang gown ko, as in, ready na lahat.

"And then, all of a sudden, kailangan naming i-move kasi nga, tumataas ang cases sa COVID. Ito iyong mga 12,000 a day ang cases, so wala kaming choice.”

Continue reading below ↓

Nasa 100 ang bilang ng guests nila kaya hindi masasabi ni Kris na intimate ang kanyang magiging wedding.

At sa 100 na bisita raw nila, piling-pili na raw ito sa mga pamilya, ilang kamag-anak, at mga ninong at ninang.

“Hindi naman siya 20 people, hindi siya intimate kasi, we’re talking of a hundred more. Karamihan din mga relatives, siyempre, mga seniors ang bisita namin, so ayaw rin namin na magkaroon ng problema, di ba?"

KRIS BERNAL ON CANCELLING THE WEDDING: "IYAK AKO NANG IYAK."

Sa Manila ang location ng kasal nina Kris at Perry.

Ang dahilan niya, “Sa Manila lang talaga. Kasi, like si Perry naman and his family, almost everyone naman is in Manila, so Manila lang talaga.

“And okay na, na-book na namin ang gusto naming hotel, church, perfect na.”

At tulad nang pinost ni Kris sa kanyang Instagram account, umiyak siya nang kanselahin nila ang kasal.

“Iyak ako nang iyak,” lahad niya.

Continue reading below ↓

“Hindi ko matanggap na ika-cancel ko, kasi, sobrang excited ka na. Punong abala ka na. Wala ka nang ibang inisip kung hindi iyong itsura mo, iyong makakasama mo, iyong family mo, kumpleto ulit kayo.

“Hanggang sa wala na naman,” saad niya.

Ang desisyon naman daw nila ay hindi lang sa kanilang dalawa ni Perry, kinonsulta rin daw nila ang pamilya nila.

“Kasi, iyon na talaga ang desisyon kasi, siyempre, tatanungin mo rin family mo, friends namin kung comfortable pa rin ba silang pumunta. Kasi mamaya, baka may iba na, sorry, hindi na kami okay.

“Siyempre, hindi natin alam, baka iyong cases, tumaas pa in a month. Pero ang nangyari, bumaba recently.”

Dugtong pa ni Kris, “Noong June 5, nade-depress ako. Kasi, parang hindi umulan. Sana, matutuloy ang mga plans natin. Maganda sana ang sunny weather, 'tapos, biglang waley."

Hindi na rin naman daw siya nagsisi sa naging desisyon.

“In all honesty, wala naman din kaming regret,” sabi ni Kris. “Iyon lang kasi ngayon, puwede na ulit ang gano’ng gathering.”

Continue reading below ↓

May ibang namu-move man ang kasal ngayong pandemic o hindi natutupad ang gustong kasal, nagpapasyang magpa-civil wedding muna.

Ayon kay Kris, hindi raw nila ito naisip.

“Hindi, e, kasi gusto namin, one time big time.”

Sa September na raw ng taong ito nila itutuloy ang kasal. At naniniwala si Kris na matutuloy na ito.

“Naisip na rin namin na siguro naman, vaccinated na rin ang lahat ng guest namin by that time.”

KRIS BERNAL ON WEDDING EXPENSES

Kumusta naman ang pagpaplano ng kasal ngayong may pandemya? Mas magastos nga ba o mas matipid dahil limitado lang ang mga bisita?

“Paano ba? Well, siyempre for me as an artista, may mga suppliers na gustong magpa-sponsor. Gusto ng ex-deal dahil siyempre, kailangan din nila ng exposure. Siyempre, may mga negosyo na gusto nating tulungan.

“So may mga gano’ng perks,” lahad niya.

“Pero dahil nga pandemic, mahal siya in a way dahil kailangan mong i-swab ang lahat ng guest. So doon tayo magkakatalo."

Continue reading below ↓

Just to give you an idea, sa travel and lesiure experiences app na Klook, ang packaged rate ng isang diagnostc laboratory para sa group Rapid Antigen Swab Test ay nasa PHP1,200 per head.

Mabuti na lang at nasa 100 na lang kanilang wedding guests.

"Nakatipid ka rin kasi, mahal ang food per head. Kasi ako, kung ako ang tatanungin at sinabi ko kay Perry na yayayain ko talaga lahat ng mga kaibigan ko at 500 iyan lahat.

“Sabi ko, maliit ang 500.

"Pero dahil pandemic, nakatipid din kami kasi, 100 lang talaga. Ngayon, parang hanggang 100 lang yata talaga ang maximum ng guests.”

Pero dahil din daw sa pandemic, nagkaroon rin siya ng realization.

Ayon kay Kris, “Dati kasi, pre-pandemic, gusto ko talaga na malaki, gusto ko lahat, OA, bongga. Pero siguro dahil ang dami ko na rin natutunan nitong pandemic, naranasan ko rin na kailangan ko rin magtrabaho.

“So sabi ko, kailangan na rin magtipid. Kasi, magpapagawa rin kami ng house. And then, gusto rin naming mag-focus sa mga businesses, gusto rin naming palakihin.

Continue reading below ↓

“So magtitipid muna kami sa part na iyon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
June 5, 2021 was supposed to be the wedding of Kris Bernal and Perry Choi. But, for the second time, it got postponed again due to the surge in COVID-19 cases.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results