Boots Anson Rodrigo, Atty. King Rodrigo Jr. celebrate 7th wedding anniversary

by Jojo Gabinete
Jun 14, 2021
The 7th wedding anniversary of Boots Anson Rodrigo and Atty. King Rodrigo Jr. doubles as the 82nd birthday celebration of the latter.
PHOTO/S: courtesy of Boots Anson Rodrigo

Ngayon ang ikapitong anibersaryo ng pag-iisang dibdib ng multi-awarded actress na si Boots Anson Rodrigo at ng kanyang asawa na si Atty.Francisco "King" Rodrigo Jr.

Ikinasal sila sa Archbishop Palace sa Mandaluyong City noong June 14, 2014.

Hindi lamang ang 7th wedding anniversary ang ipinagdiriwang ng mag-asawa dahil ngayon rin ang 82nd birthday ni Atty. King kaya tatlong araw ang kanilang selebrasyon sa Lemery, Batangas.

Habang tumatagal, lalong tumatatag ang pagsasama nina Boots at Atty. King kaya testamento sila sa kasabihang "age doesn’t matter" para sa mga tunay na nagmamahalan at nakahanap ng kaligayahan sa ikalawang pagkakataon.

"God is good. Nakaabot na kami ng seven years at our tender ages of 82 (birthday din ni King ngayon) and 76, respectively.

"May misyon pa siguro kami pareho sa buhay,” ang kuwento ni Boots nang makausap siya ng Cabinet Files.

"We are here in Canyon Woods, off Tagaytay, three-day celebration with King's son Robbie and wife Jenny (it’s also her birthday today) and their three children, Amanda, Benj and Nate; my son Joey, and my daughter, Chiqui and husband Congressman Robbie Puno of Antipolo 1st District and their children, Antipolo Board member Randy, Nick and Sabrina."

Continue reading below ↓

Boots Anson Rodrigo, Atty. King Rodrigo Jr.

Siniguro raw ng mag-asawa na alinsunod pa rin sa pamantayan ang bilang ng guests ng inimbita sa family celebration.

Boots Anson Rodrigo, Atty. King Rodrigo Jr.

Continue reading below ↓

Dagdag ng beteranang aktres, "A few cousins joined us well within the required party gathering protocol kaya inabot ng three days.

"Saturday, we videotaped for our latest brand endorsement of Healthy and Pure bottled water under Maris Corporation.

"Yesterday, June 13, lunch here with both families. The grandchildren prepared a video program. Tonight will be a small dinner with my brother Nonoy and our closest Villa-Real cousins.

"In between these, we both had work related Zoom meetings,” ang pagbabahagi ni Boots tungkol sa pagdiriwang nila ni Atty. King sa kanilang wedding anniversary at ng kaarawan ng kanyang asawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 7th wedding anniversary of Boots Anson Rodrigo and Atty. King Rodrigo Jr. doubles as the 82nd birthday celebration of the latter.
PHOTO/S: courtesy of Boots Anson Rodrigo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results