Sunshine Cruz grateful to have Macky Mathay and 3 additional angels in her life

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2021
Sunshine Cruz to boyfriend Macky Mathay on their 5th anniversary: "Thank you for being one of my inspirations to always try to be a better version of myself. Thank you for always believing in me."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram

Limang taon na ang relasyon nina Sunshine Cruz at Macky Mathay.

Ngayong araw, September 18, 2021, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang anniversary.

Pero kagabi, September 17, ay nagbahagi na sa Facebook at Instagram ng ilang larawan si Sunshine kasama ang boyfriend at ang kanilang mga anak.

Parehong may tatlong anak ang dalawa sa kanilang mga naunang karelasyon.

Labis ang pasasalamat ni Sunshine sa boyfriend dahil sa pag-aalaga nito sa kanya, pati na rin sa tatlong anak na babae.

Maituturing din niyang blessing ang pagkakaroon ng tatlo pang anghel sa kanyang buhay.

Saad ng aktres, “5 years! [smiling face with three hearts emoji]

“I wasn’t just blessed with a supportive and loving partner but I also gained three additional angels. [praying hands, heart emojis]

“Thank you for being supportive and caring to me and the girls.

“Thank you for being one of my inspirations to always try to be a better version of myself. Thank you for always believing in me.

Continue reading below ↓

“I am truly grateful for you, Ro, Cole and Charlie. You guys are a blessing to me, Angelina, Sam and Chesca.

“Happy 5th Anniversary to us my Macky!

“I love you! We love you! [heart emoji]"

Bumati naman sa kanila ang mga anak ni Sunshine na sina Sam, Angelina, at Chesca.

Continue reading below ↓

Nag-comment din ang kamag-anak ni Sunshine na si Rodjun Cruz at mga kaibigang sina Vina Morales, Karla Estrada, Nikki Valdez, Arlene Muhlach, Ara Mina, Teresa Loyzaga, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

SUNSHINE AND MACKY'S LOVE STORY

Nagsimula sa isang "hi" sa direct messaging sa Instagram ang love story nina Sunshine at Macky.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Macky noong October 2016, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Si Macky ay half-brother ng aktres na si Ara, na matalik na kaibigan naman ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Noong panahong yun, naging viral sa social media ang larawan ng dalawa na magka-holding hands habang naglalakad sa Bonifacio Global City, Taguig City.

May isang source ang nagsabi noon na "recently dating" pa lang ang estado nina Sunshine at Macky.

Kuwento pa ni Macky sa PEP.ph, “I will actually tell you the truth kasi ano, e, hindi naman ako showbiz.

“Hindi naman ako artista, di ba? So, hindi na ako magpaliguy-ligoy.

“Actually, I am… natutuwa ako, I feel happy, I guess right timing kasi lahat, e.

“Kasi, alam mo, if it happened in a different situation or something, siguro hindi kami na-develop, parang ganun.

“Well, actually, it’s as simple as I sent her a direct message on Instagram. Ganun kasimple.

“Totoo yun. I sent her a direct message sa Instagram, saying ‘Hi.’

“And then after, I sent her my ‘Hi’ message, dinugtungan ko kaagad ng second message.

“I told her that ‘I’m the brother of Hazel [Reyes], si Ara.’”

Continue reading below ↓

Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang kanilang magandang relasyon bilang magkasintahan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz to boyfriend Macky Mathay on their 5th anniversary: "Thank you for being one of my inspirations to always try to be a better version of myself. Thank you for always believing in me."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results