More photos from Dennis Trillo and Jennylyn Mercado's civil wedding

by Nikko Tuazon
Nov 20, 2021
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado confirm wedding
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado get married in a civil wedding ceremony held at Kathryn Bernardo's studio in Quezon City on Monday, November 15, 2021.
PHOTO/S: @teampatdy / @nelwinuyphoto / @patdy11 / @chissai on Instagram

Ilang araw matapos ang kasal nina Dennis Trillo, 40, at Jennylyn Mercado, 34, available na sa social media ang kanilang wedding photos.

Ngayong araw, November 20, 2021, ibinahagi nina Dennis at Jennylyn ang ilang litrato na mula sa kanilang civil wedding ceremony na naganap noong Lunes, November 15, 2021, sa pag-aaring studio ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa Quezon City.

Sa mga litrato, makikitang sweet na sweet ang dalawa at matching pa ang suot na white suit para sa espesyal na okasyon.

Ang caption ni Dennis, "Mga kuha ni @patdy11 at @nelwinuyphoto sa aming kasal [emoji] maraming salamat [emoji]"

Continue reading below ↓

Dalawang litrato naman mula sa kanilang kasal ang in-upload ni Jennylyn sa kanyang Instagram account. Emoji ng groom at bride naman ang nilagay nito sa caption ng kanyang post.

Maging ang mga celebrity wedding photographers ng newlyweds na sina Pat Dy at Nelwyn Uy ay nag-post din.

Ang caption ni Nelwyn sa isang photo: "Guys, official na! Congratulations @mercadojenny @dennistrillo"

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman si Pat sa tiwalang ibinigay sa kanila nina Dennis at Jennylyn.

Saad ni Pat sa post: "And it's official! @mercadojenny @dennistrillo . . Thank you for trusting us! Cheers to our Effortless couples.. We are so lucky!"

Continue reading below ↓

Bukod dito, nag-iwan rin ng teaser sina Dennis at Jennylyn para sa kanilang wedding vlog na mapapanood sa YouTube mamayang gabi, 8 p.m.

Mapapansin sa mga video na kuha ng Nice Print Photography na tanging mga malapit na kaanak at kaibigan ang nakasaksi ng kasal.

Continue reading below ↓

Napuno rin ang comments section nina Jennylyn at Dennis ng congratulatory messages mula sa kanilang mga celebrity friends.

Kabilang na rito sina Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Maxene Magalona, Suzi Entrata, Jon Lucas, Pancho Magno, Sherilyn Reyes-Tan, Sheena Halili, at marami pang iba.

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, wedding Instagram comments 3

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, wedding Instagram comments 2

Continue reading below ↓

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, wedding Instagram comments 4

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, wedding Instagram comments 1

Continue reading below ↓

Halos walong taon na ang relasyon nina Dennis at Jennylyn sa January 2022.

Nitong October 29, 2021, unang kinumpirma ng dalawa na sila ay engaged na, pero noong October 8 pa pormal na nag-propose ng kasal si Dennis kay Jennylyn.

Naganap ang proposal ilang linggo matapos malaman ng dalawa na sila ay magkakaroon na ng anak sa unang pagkakataon.

Noon pa lang 2018 ay pinaplano na nila ang pagbuo ng sariling pamilya.

Bukod sa kanilang magiging baby, mayroong tig-iisang anak sina Dennis at Jennylyn mula sa kanilang dating mga karelasyon: si Alex Jazz, na anak ni Jennylyn sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia, at si Calix na anak naman ni Dennis sa dating nobya na si Carlene Aguilar.

Parehong 13 years old sina Alex Jazz at Calix.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado get married in a civil wedding ceremony held at Kathryn Bernardo's studio in Quezon City on Monday, November 15, 2021.
PHOTO/S: @teampatdy / @nelwinuyphoto / @patdy11 / @chissai on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results