Lolo celebrates 101st birthday giving to the needy: "Magkakaroon kayo ng iniipon sa langit."

by Bernie V. Franco
4 days ago
Diego Veluz 100 birthday
Sa halip na magarbong handaan, mas pinili ni Lolo Diego Veluz ng Laguna na itulong sa mga nangangailangan ang kanyang gagastusin para sa kanyang 101st birthday.
PHOTO/S: Facebook (Wyeth Pajer)

Pinusuan ng netizens ang kawanggawa ng isang lolong namigay sa mga nangangailanan para sa celebration ng kanyang ika-101 kaarawan.

Meet Diego Veluz, residente ng Luisiana, Laguna, na nag-celebrate ng kanyang 101st birthday nito lamang November 2021.

Ipinost ng netizen na si Wyeth Peraz Apejas ang mga larawan ni Lolo Diego noong kaarawan nito, November 14.

Makikita ang nakangiting si Lolo Diego at ang mga ipinamigay niyang mga tinapay at bigas para sa mga nangangailangan.

Caption ni Wyeth (published as is): “A senior citizen from Luisiana, Laguna celebrated his 101st birthday in a unique way.

“He bought 20 sacks of rice for distribution to the needy families.

“In each bag of rice are hershey chocolate from the US and tasty bread.

“Thank you so much Tatay Diego for being so generous.

“May the Lord bless you continually with good health and happiness.”

Continue reading below ↓

Si Wyeth ay ang principal ng Luisiana Adventist Elementary School, na ipinatayo ni Lolo Diego.

Si Wyeth at ang kanyang pamilya ang nag-aalaga kay Lolo Diego, na wala ang pamilya dito sa Pilipinas.

Sa ulat ng 24 Oras noong November 18, 2021, ikinuwento ng principal ang kabutihang loob ni Lolo Diego mula noong kabataan nito.

Sabi ng principal, “Mula nung maliit ako hanggang sa ako’y lumaki, matapos ang pag-aaral, tuluy-tuloy po ang kanyang pagtulong.

“Sa katunayan po, ito pong school na hina-handle ko ngayon ay siya po yung nagpatayo, at marami rin po siyang scholars dito.”

Si Lolo Diego ay isang U.S. citizen at pensionado.

Ang pinam-birthday niya ay ang kanyang pension. Pero sa halip na magarbong handaan, mas pinili niyang itulong na lang ito sa mga mas nangangailangan.

Dalawampung sako ng bigas, mga tinapay, at imported chocolates ang binili niya.

Sabi ni Lolo Diego, paraan niya raw ito para ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap.

Continue reading below ↓

Sabi ng matanda, "Ako’y masayang-masaya dahil alam kong ang Panginoon ang siyang nagpapala sa akin, na dapat ko namang ipamahagi sa iba yung pagpapala.”

Isang paraan daw niya ito para ilapit ang ibang tao sa Panginoon.

Diego Veluz

Si Lolo Diego ay dating magsasaka na nagtungo sa Amerika kasama ang kanyang buong pamilya.

Continue reading below ↓

Nagtrabaho siya roon hanggang sa edad na 90 anyos.

Kasunod nito ay nagdesisyon siyang umuwi sa Pilipinas, pero naiwan ang kanyang pamilya sa Amerika.

Bagamat hindi kapiling ang kanyang tunay na pamilya, ang pamilyang nabuo ni Lolo Diego sa pamamagitan ng itinayong eskuwelahan ang kasama niya.

Sabi pa ni Principal Wyeth na umaaruga kay Lolo Diego, sa kabila ng kanyang edad ay patuloy siyang nakakatulong.

Ani Wyeth, “Siya nga po ang nakakatulong pa sa amin. Pag nagising na po siya, kahit sobrang aga, nagluluto na po siya.

“Kaya paggising po namin ay luto na. Kakain na lang.”

Naniniwala si Lolo Diego na ang kabutihang ginagawa niya sa iba ay babalik sa kanya.

Aniya, “Marami ang mahihirap… yung pagbibigay sa kanila, at ang sabi ng Panginoon kung kayo’y nagbibigay sa mga mahihirap… ay magkakaroon kayo ng iniipon sa langit.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa halip na magarbong handaan, mas pinili ni Lolo Diego Veluz ng Laguna na itulong sa mga nangangailangan ang kanyang gagastusin para sa kanyang 101st birthday.
PHOTO/S: Facebook (Wyeth Pajer)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results