Watch Now

Prince Charles Pascua pasado sa two licensure exams; dating bagsak sa kolehiyo

by Bernie V. Franco
Jan 18, 2022
Prince Charles Pascua
Prince Charles Pascua is a licensed electrical engineer and licensed master electrician. He passed the two licensure exams in September 2021.
PHOTO/S: Facebook (Prince Charles Pascua)

Matinding galak ang naramdaman ng magulang ni Prince Charles Agtarap Pascua nitong pandemya.

Ang anak kasi nilang bumagsak sa ilang subjects sa kolehiyo ay nakapasa sa dalawang licensure exams para sa electrical engineers at master electricians.

Na-feature ang achievement ni Prince Charles ng Candon City, Ilocos Sur sa Balitang Amianan GMA Regional TV, noong January 7, 2022.

At dahil makailang ulit na nakansela ang kanyang board exams bunsod ng pandemya, naging mas matamis ang tagumpay ng binata.

Aniya, “Sobrang saya po. Parang worth it lahat ng sacrifices po ng lahat [from] college hanggang sa review.

“Given talaga ang failures na darating sa buhay natin, kaya laban lang sa mga kagaya ko na nasubok ng pandemya.”

Nagtapos si Prince Charles ng Electrical Engineering mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University - Mid La Union Campus noong 2019.

Nag-take siya ng Registered Electrical Engineer licensure exam sa Baguio City noong September 5-6, 2021, at Registered Master Electrician licensure exam noong September 7, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong lumabas ang resulta noong September 16, 2021 at naipasa niya ang dalawang exams.

Prince Charles Pascua

INFLUENCE OF HIS FATHER

Kuwento ng kanyang amang si Pedro Pascua, isang retired electric lineman, nakita na niya ng potensiyal ang anak noong bata pa lamang ito.

Isinasama noon ito ni Pedro sa trabaho, at sariwa kay Prince Charles ang mga alaalang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ng electrical engineer, “Nung bata pa ako, palagi niya akong dinadala sa work niya.”

Tinuturuan siya ng kanyang ama pagdating sa basic tools at wiring service.

Dito nakita ni Pedro na mabilis matuto ang anak.

Nang kumuha si Prince Charles ng Electrical Engineer sa kolehiyo, aminado siyang hindi biro ang hirap ng kurso.

May mga failed subjects and incomplete subjects nga siya noon.

Sabi niya sa interview ng ABS-CBN Teleradyo, January 4, 2022, “Sobrang hirap po talaga sa pag-take ng course ng Electrical Engineering, pero [in] the long run, parang napupunta na rin yung loob ko sa course na iyon.

“Kasi si Papa rin po yung inspiration ko, kasi simula po noong bata pa ako, palagi niya akong dinadala sa office niya, sa work niya sa electric cooperative.

“Tinuturuan ng basic tools and wiring service hanggang napamahal [na sa akin].”

Bagamat 2019 na siya nagtapos, last year lang siya nakapag-exam. Na-postpone kasi ang board exams dahil sa kasalukuyang pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makuha ang resulta ng kanyang licensure exams, agad itong ibinalita ni Prince Charles sa kanyang mga magulang.

Pag-uwi sa kanila, kailangan muna niyang sumailalim sa 14-day quarantine sa kanilang facility sa kanilang lugar.

Nang makauwi ito sa bahay, laking gulat ni Prince Charles na naghanda ang kanyang pamilya, at may nakaabang pang tarpaulin.

Lahat ng mga kamag-anak ay naroon rin sa bahay.

Ang background music ay graduation anthem dahil hindi niya naranasan ang magkaroon ng physical graduation.

Kita sa ipinost na video na naging emosyunal si Prince Charles.

Wala namang pagsidlan ng ligaya ang kanyang mga magulang.

Si Prince Charles ang kauna-unahang licensed engineer sa side ng kanyang ama at ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prince Charles Pascua is a licensed electrical engineer and licensed master electrician. He passed the two licensure exams in September 2021.
PHOTO/S: Facebook (Prince Charles Pascua)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results