Max Collins and Pancho Magno celebrate son Skye’s second birthday together

by Arniel C. Serato
Jul 7, 2022
Max Collins, Pancho Magno: Back in each other's arms again?
Portrait of a happy family: Max Collins and Pancho Magno throw a space-themed celebration for son Skye Anakin's second birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @maxcollinsofficial on Instagram

Ikinatuwa ng netizens na nasilayan nilang muling magkasama ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.

Kahapon, July 6, 2022, sabay na ipinagdiwang ng dalawa ang ika-2 kaarawan ng kanilang anak na si Skye Anakin Magno.

Ginanap ang space-themed birthday party ni Skye sa Hotel Okura, Resorts World Manila.

Sabi ni Max sa caption ng kanyang post, “Celebrated the birth of this little astronaut yesterday!”

Happy naman si Pancho sa kanyang pagbati sa anak.

Mensahe niya, “Happy 2nd birthday to our Skye! We love you so much [heart emoji] and it’s your 2nd birthday so dapat dalawang song and dalawang wish.”

Maraming followers nina Max at Pancho ang natuwa sa posts nila ito.

Max Collins, Pancho Magno celebrate son Skye’s second birthday

Continue reading below ↓

Max Collins, Pancho Magno celebrate son Skye’s second birthday

Hudyat kaya ito na nanumbalik na ang dating samahan ng mag-asawa na napabalitang nagkalabuan umano?

Nitong nakaraang June 19, binati rin ni Max ang asawang si Pancho sa okasyon ng Father’s Day.

Nagpasalamat din ang aktres sa asawa dahil sa kanilang nag-iisang anak na si Skye Anakin na pinakamahalagang regalo raw na natanggap niya sa mundo.

Continue reading below ↓

Read: Max Collins greets Pancho Magno on Father’s Day amid rumored breakup

Positibong development ito para sa dalawa dahil isang taon nang napapabalitang nagkalabuan sila at diumano’y naghiwalay na.

Nag-ugat ito dahil sa pagdaos nina Max at Pancho ng magkahiwalay na parties para sa anak nilang si Skye sa unang kaarawan nito.

Ayon sa panayam kay Max noon, ang mga kaibigan niya ang nagbigay ng birthday surprise kay Skye kung saan hindi nakarating si Pancho dahil sa trabaho.

Nagdaos ng hiwalay na birthday party si Pancho para sa anak, at si Max naman ang hindi nakadalo dahil din sa trabaho.

Read: Max Collins, Pancho Magno hold separate birthday parties for Baby Skye Anakin

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Portrait of a happy family: Max Collins and Pancho Magno throw a space-themed celebration for son Skye Anakin's second birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @maxcollinsofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results