Ang Pilipinang nurse na si May Parsons ang napiling tumanggap ng prestihiyosong karangalan mula mismo sa monarch ng United Kingdom (U.K.).
Hindi naman kataka-takang ang kababayan natin ang naatasang i-represent ang 1.5 million healthcare staff ng National Health Service (NHS) dahil si May ang kauna-unahan sa buong mundo na nag-administer ng COVID-19 vaccine sa isang pasyente.
Gumawa siya ng kasaysayan nang binakunahan niya ang Briton na si Maggie Keenan noong December 8, 2020, na kasagsagan ng pandemya.
Mismong si Queen Elizabeth II ang nag-abot ng George Cross award sa ginanap ang seremonya sa Windsor Castle nitong July 12, 2022.
Bukod kay Queen Elizabeth, nasa awarding ceremony rin ang anak nitong si Prince Charles.
Kitang-kita ang matamis na ngiti ni May nang tanggapin niya ang award katabi ang NHS chief na si Amanda Pritchard
(L-R) Queen Elizabeth II nang iabot ang George Cross award sa Pinay nurse na si May Parsons at National Health Service Chief Amanda Pritchard.
Ang George Cross ay kumikilala sa “courage, compassion and dedication” ng staff ng National Health Service (NHS) ng U.K., ayon sa website ng healthcare system ng bansa.
Si May ay nagtatrabaho bilang Modern Matron for Respiratory Services sa University Hospitals Coventry and Warwickshire Trust.
Ang Pinay nurse sa U.K. na si May (far right) habang nakikipag-usap kay Prince Charles (far left) at nakatingin naman si NHS Chief Amanda Pritchard (center).
Ito ang pangatlong beses na iginawad ang George Cross award sa “collective group of people” mula nang simulan ito ni King George VI noong 1940.
Iginagawad ang George Cross bilang pagkilala sa “acts of the greatest heroism or of the most courage in circumstances of extreme danger.”