Bea Alonzo to Dominic Roque on his 32nd birthday: “Thanks for making my heart happy.”

by Arniel C. Serato
Jul 21, 2022
Bea Alonzo pens heartfelt message for boyfriend Dominic Roque on his 32nd birthday
Bea Alonzo to boyfriend Dominic Roque on his 32nd birthday: "I’m so blessed by how kind and understanding you are. Thanks for making my heart happy. I love you."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @dominicroque on Instagram

Kinakiligan ng ilang showbiz personalities at netizens ang sweet birthday message ni Bea Alonzo, 34, para sa boyfriend nitong si Dominic Roque.

Ipinagdiwang ni Dominic ang kanyang ika-32 kaarawan kahapon, July 20, 2022.

Sa Instagram, diretsahang tinawag ni Bea na “my love” si Dominic.

Natutuwa raw ang aktres kapag nakangiti ang nobyo na hangad daw niya araw-araw para rito.

Dagdag pa ni Bea, masuwerte siyang nagkaroon ng nobyong mabait at maunawain.

Si Dominic din daw ang nagpapaligaya ng kanyang puso.

Buong mensahe ni Bea: “Happy birthday, my love [balloon emoji]

“I love it when you smile like this, and I’d gladly put a smile on your face every day.

“I’m so blessed by how kind and understanding you are. Thanks for making my heart happy. I love you [red heart emoji] @dominicroque

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Komento ni Dominic sa post ng girlfriend, “i love you hun, thank you for the surprise bday party! [red heart emoji]”

Continue reading below ↓

Tatlong kiss emojis naman ang sagot ng Kapuso actress dito.

Bea Alonzo pens heartfelt message for boyfriend Dominic Roque on his 32nd birthday

Kabilang sa mga bumati kay Dominic sina Kakai Bautista, Karen Davila, Yasmien Kurdi, Jake Cuenca, Dimples Romana, Anne Curtis, Jackielou Blanco, at Neri Miranda.

Bea Alonzo pens heartfelt message for boyfriend Dominic Roque on his 32nd birthday

Continue reading below ↓

Bea Alonzo pens heartfelt message for boyfriend Dominic Roque on his 32nd birthday

Simpleng “32” naman ang post ni Dominic sa Instagram tungkol sa kanyang kaarawan.

WORTH THE RISK

January 28, 2022, ipinagdiwang nina Bea at Dominic ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Read: Bea Alonzo to Dominic Roque on their anniversary: “It took so much patience from you.”

Bago pa man sila naging magkasintahan, matagal nang magkaibigan ang dalawa.

Continue reading below ↓

As early as 2016, napapansin na ng netizens ang hangout pictures nila.

Kuwento ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2021, "Friends na kami few years back pa. We would hang out every now and then.

"Siguro magandang foundation talaga ng isang relationship yung friendship.

"I can't speak for everybody. Yung iba love at first sight, yung iba LDR [Long-Distance Relationship], hindi mo alam, e.

"Sa akin, siguro magandang foundation talaga yung friendship because wala kayong best foot forward."

Sa mga taong naging magkaibigan sila, mas lalo raw nilang nakilala ang isa’t isa.

Mas maganda raw itong pundasyon para sa isang relasyon.

Saad ni Bea, “You already know each other. Siyempre lahat naman tayo may good side, may bad side.

"Alam na niya yung ugly side of you. He knows what to expect already. Sa akin, nagwo-work yun sa ngayon."

Hanggang sa unti-unti na silang umamin sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Worth the risk daw ang paghihintay ni Bea na magkaroon muli ng boyfriend matapos ang hindi magandang hiwalayan nila ni Gerald Anderson noong July 2019.

Ani Bea, “And it didn’t feel hard with him. It felt good, it felt easy.

"Siguro iyon yung main reason why nag-risk ako because it felt easy, it felt good, it felt right."

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo to boyfriend Dominic Roque on his 32nd birthday: "I’m so blessed by how kind and understanding you are. Thanks for making my heart happy. I love you."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @dominicroque on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results