Kara David posts loving tribute to her graduating daughter

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 29, 2022
Kara David
Kara David: “Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak."
PHOTO/S: Kara David Instagram

Ipinagmalaki ng award-winning journalist na si Kara David na makakapagtapos na sa kolehiyo ang kanyang unica hija na anak na si Julia.

Masaya at proud na ipinost sa Instagram ng batikang mamamahayag noong July 26, 2022, ang picture at larawan na nakasuot ng graduation gown ang kanyang anak.

Si Julia Kristiana David, ang kaisa-isang anak ni Kara, ay magtatapos ngayong taon sa University of the Philippines (UP) Diliman sa kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development.

Sa kanyang short but sweet message, punung-puno ng papuri si Kara para sa anak.

Caption ng I-Witness reporter (published as is), “Parang kailan lang…ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak.

"Masipag, matalino, mapagkumbaba at mapagmalasakit sa kapwa. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay."

Dagdag pa niya, “Congratulations Julia Kristiana David Mahal na mahal ka namin at lagi kaming susuporta sa iyo."

Ilang mga kaibigan at kasamahan ni Kara sa media ang nagpaabot din ng pagbati sa pagtatapos ni Julia kabilang na ang 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.

Continue reading below ↓

Kara David

Nito lamang June 30, 2022 ay inanunsiyo ng UP College of Mass Communication na si Kara na ang bagong chairperson ng Department of Journalism ng University of the Philippines (UP) Diliman.

Pinalitan nito ang dating chairperson ng departamento na si Dr. Rachel Khan.

Ngunit bago naging chairperson ay nagtuturo na si Kara sa UP bilang assistant professor mula pa noong 2017.

Continue reading below ↓

Propesor emeritus sa Department of Sociology ng UP Diliman ang kanyang ama na si Randy David.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kara David: “Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak."
PHOTO/S: Kara David Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results