Kara David's daughter Julia graduates magna cum laude: "Napakahusay mo talaga anak"

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 2, 2022
Kara David
Kara David is a proud mom: "Napakahusay mo talaga anak. So proud of you...All your hardwork paid off."
PHOTO/S: Kara David Instagram

Magna cum laude si Julia Kristiana David, ang unica hija ng award-winning journalist na si Kara David.

Natapos ni Julia ang kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Kabilang siya sa mga nagmartsa sa face-to-face graduation ceremony ng UP Diliman noong July 30, 2022.

Sa mismong araw ng graduation, ibinida ni Kara sa Instagram ang karangalang nakuha ng kanyang anak kalakip ang mga litrato na kuha during the ceremony.

Ayon sa mamamahayag, masaya na sila na makapagtapos lamang si Julia ng kolehiyo, ngunit hinigitan pa nito ang kanilang hiling dahil nakapagtapos siya nang may karangalan.

Caption ng I Witness reporter (published as is), "And she graduated magna cum laude! Wow! Masaya na kami na makapagtapos lamang, pero dagdag karangalan pa ito.

"Napakahusay mo talaga anak. So proud of you!"

Dagdag pa niya, "All your hardwork paid off."

Nauna nang ibinahagi ni Kara ang tagumpay ni Julia sa isa pang hiwalay na Instagram post noong July 26, 2022.

Continue reading below ↓

Dito ay sinariwa niya ang mga nagdaang taon bago tuluyang makapagtapos sa kolehiyo ang kanyang anak.

Bumuhos naman sa comments section ang pagbati ng mga netizens sa achievement ni Julia.

Kara David

Kara David

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kara David is a proud mom: "Napakahusay mo talaga anak. So proud of you...All your hardwork paid off."
PHOTO/S: Kara David Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results