Cesar Montano celebrates 60th birthday "with my children all present"

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2022
Cesar Montano celebrates 60th birthday with all his children
Angelina, Chesca, and Sam Cruz (1st, 2nd, 3rd from left), Diego Loyzaga (4th from Left), and Angela Manhilot (extreme right) join their other siblings in celebrating their dad Cesar Montano's (2nd from right) 60th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @cesarbuboymontano on Instagram

Larawan ng isang masayang ama ang aktor na si Cesar Montano sa okasyon ng kanyang ika-60 kaarawan nitong nakaraang August 1, 2022.

Lahat daw kasi ng kanyang mga anak ay dumalo sa selebrasyon niya na hudyat ding isa na siyang senior citizen.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, August 3, ibinahagi ni Cesar ang ilang larawan kasama ang mga anak na kuha sa kanyang birthday celebration.

Sabi niya sa una niyang post, sobrang masaya siya dahil nakumpleto ang kanyang mga anak.

“I can’t be more happy with my children all present on my birthday. I love you so much guys! You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you. [smiling, praying hands, heart, musical score emojis]”

Kasama niya sa larawan sina Angela Manhilot, anak ni Cesar sa yumao niyang first wife na si Marilyn Polinga; Diego Loyzaga, anak niya kay Teresa Loyzaga; Angelina, Chesca, at Sam Cruz, na mga anak niya sa kanyang second wife na si Sunshine Cruz.

Continue reading below ↓

Ang ibang mga bata sa larawan ay mga anak niya kina Sandra Seifert at sa kasalukuyan niyang partner na si Kath Angeles.

Ang isa pang anak ni Cesar na si Angelo Manhilot ay namatay noong 2010.

Flinex din ni Cesar ang tatlo niyang dalagang anak kay Sunshine sa isa pang post.

Caption niya, “Mi bella Tres Marias on my birthday [smiling face with smiling eyes, hearts, praying hands emojis]”

GREETINGS FROM CHILDREN

Kanya-kanya ring posts ng kanilang pagbati sina Diego, Angelina, at Sam sa kanilang Instagram.

Si Diego, ibinahagi ang larawan ng ama noong medyo bata-bata pa ito.

Sabi niya sa caption, “Happy birthday to this handsome man @cesarbuboymontano I love you Dad!”

View this post on Instagram

A post shared by Diego ???? (@diegoloyzaga)

Ibinahagi naman ni Sam ang larawan nilang magkakapatid kasama ang ama noong mga bata pa sila.

Pagbati pa niya rito, “happy birthday daddy! I love you [hear emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Sam Cruz (@samcruzm)

Si Angelina naman ay nag-post sa kanyang Instagram Story ng larawan na kuha sa birthday celebration ni Cesar.

Continue reading below ↓

Aniya, “Had fun during your birthday celebration daddy! We all love you @cesarbuboymontano”

Cesar Montano celebrates 60th birthday with all his children

Noong nakaraang Father’s Day naman, masaya sina Teresa at Sunshine dahil magkasundung-magkasundo ang kanilang mga anak sa kanilang ama.

Read: Sunshine Cruz, Teresa Loyzaga react to Cesar Montano’s Father’s Day bonding with his children

Sampu na ang bilang ng mga anak ni Cesar—dalawa sa unang asawa niyang namayapa, isa kay Teresa, tatlo kay Sunshine, isa sa former beauty queen na si Sandra, at tatlo kay Kath.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelina, Chesca, and Sam Cruz (1st, 2nd, 3rd from left), Diego Loyzaga (4th from Left), and Angela Manhilot (extreme right) join their other siblings in celebrating their dad Cesar Montano's (2nd from right) 60th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @cesarbuboymontano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results