Audrey Almontero surprises parents minutes before graduation march: “Cum laude po ako.”

by Bernie V. Franco
Aug 9, 2022
graduate
On the day of her graduation, University of Santo Tomas graduate Audrey Almontero surprises her parents with the announcement that she is graduating cum laude.
PHOTO/S: Facebook (Audrey Almontero)

Isang masayang sorpresa ang nagpaiyak sa mga magulang ni Audrey Almontero sa kanyang graduation day.

Bago kasi magmartsa ay ginulat sila ni Audrey sa announcement na siya ay ga-graduate na cum laude.

Si Audrey ay nagtapos ng Bachelor of Science in Pharmacy sa University of Santo Tomas (UST) noong nakaraang buwan.

Nag-viral ang video post ni Audrey sa kanyang Facebook account.

Kunwari ay magpapa-picture siya kasama ang mga magulang bago magsimula ang program proper ng graduation.

Nang pumuwesto sa kunwaring picture-taking, iniabot ng unica hija sa mga magulang ang mga ribbon kung saan nakasaad ang karangalang natamo.

“Surprise! Cum laude po ako,” ani Audrey habang humahalakhak.

Naging emosyunal ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina.

“Hindi talaga ako nakapag-ayos… ang buhok ko…” sabi ng umiiyak na ina.

Bahagi ng Facebook post ni Audrey: “Late ko talaga sinabi like mga minutes before, I decided to tell them before I go march for our graduation.”

graduation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

graduation

Para makuha ang kanilang reaction, sikretong kinunan ng video ni Audrey Almontero nang sabihin sa kanilang may Latin honor siya sa mismong graduation day.

Wala raw papantay sa saya ni Audrey na masamahan siya ng mga magulang sa stage bilang cum laude anuman ang kanilang ayos.

Read also:

WHY AUDREY INFORMED HER PARENTS AT THE LAST MINUTE

Hindi raw inasahan ni Audrey na magiging cum laude siya.

"Kabado” nga siya sa kanyang average sa first and second year sa kolehiyo, bagamat nasa Dean’s List siya.

Pinag-igihan niya ang huling taon sa kolehiyo para mahila pataas ang kanyang general weighted average.

Mas nakadagdag pa sa tension ni Audrey ang na-postpone nilang graduation practice dahil may changes daw sa list ng mga may honors.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya hindi siya nag-assume hangga’t hindi niya naririnig mismo ang announcement na kasama ang pangalan niya.

Wala raw siyang pagsidlan ng tuwa nang lumabas ang kanyang pangalan.

Bakit hindi niya agad ibinalita sa mga magulang ang good news?

“Dumaan po yung mga times na puwede kong sabihin sa GC [group chat] or nung nag-Father’s Day dinner po kami.

“Kaso feeling ko po kasi hindi yun yung right time,” hayag ni Audrey sa ABS-CBN Teleradyo noong July 20, 2022.

“And then kakahanap ko po ng right time, naabutan po ako ng until the graduation”

“They really had no idea up until sinabi ko po na binigay ko nga sa kanila yung ribbons, and I told them na cum laude ako.”

graduation

PREPARING FOR BOARD; STARTED WITH MED SCHOOL

Katatapos lamang ng graduation ceremony, pero tuluy-tuloy na si Audrey sa pagtupad ng kanyang pangarap.

Nagre-review siya ngayon para sa kanyang licensure exam na gaganapin sa darating na November.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula na rin siya sa kanyang med school noong July 25.

“I’m learning po to become a surgeon, neurosurgeon,” sabi niya.

“Ever since naman po sobrang fascinated ako sa anatomy, and I think yung brain po is a very beautiful organ.”

Hangad ni Audrey na makatulong sa pagsagip ng buhay.

Dagdag niya, “May plano rin po ako to become a doctor to the barrio after I graduate sa med [school].

“For me po, personally, yung mga nasa rural areas, sila yung mahirap ma-reach ng medicine.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On the day of her graduation, University of Santo Tomas graduate Audrey Almontero surprises her parents with the announcement that she is graduating cum laude.
PHOTO/S: Facebook (Audrey Almontero)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results