Jessy Mendiola, Luis Manzano expecting their first baby

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2022
jessy luis pregnant
Jessy Mendiola and Luis Manzano announce that they are expecting their first child.
PHOTO/S: Pat Dy, Pauline Dy, Nelwin Uy & Chissai Bautista

Inanunsiyo ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na malapit na silang maging magulang sa pamamagitan ng video na inilabas sa YouTube channel ng 29-year-old actress ngayong Huwebes ng gabi, August 11, 2022.

jessy mendiola pregnant

Ito ang kumpirmasyon ng pagbubuntis ni Jessy dahil ibinahagi niya ang larawan ng sonogram, na ebidensiya magiging ganap na siyang ina, at ang mga litratong nagpapakita sa kanyang baby bump.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jessy mendiola pregnant

“Ang dami kong memorable moments with Lu but this one, siguro this is the best,” ang isa sa mga linya ni Jessy sa video, na nagpakita rin sa buong pagmamahal na paghalik ni Luis sa kanyang tiyan.

jessy mendiola pregnant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumuhos ang pagbati sa mag-asawa, kahit hindi pa nila ibinibigay ang kumpletong detalye ng pagbubuntis ni Jessy na tiyak mapapanood sa mga susunod na episodes ng kanilang YouTube channel.

jessy mendiola luis manzano pregnant

Ikinasal sina Luis at Jessy sa isang pribadong seremonya sa The Farm sa San Benito, Lipa City, noong February 21, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Surprise!!! Luis Manzano and Jessy Mendiola marry in secret on February 21, 2021

Ang pagbubuntis ng aktres ang katuparan ng kanyang sinabi noong plano nilang magkaroon ng anak ngayong 2022 at babae ang kanilang nais maging panganay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola and Luis Manzano announce that they are expecting their first child.
PHOTO/S: Pat Dy, Pauline Dy, Nelwin Uy & Chissai Bautista
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results