Kabilang sa mga bagong doktor ang magkapatid na sina Aiza Francisco Majid at Aminkadra II Francisco Majid mula sa Jolo, Sulu.
Sabay silang kumuha at pumasa sa Physician Licensure Exam (PLE) October 2022. Inilabas ang resulta noong November 10, 2022.
Mula sa pamilya ng mga doktor sina Aiza at Amin. Ang kanilang ama at isa pang kapatid na babae ay nasa linya rin ng medisina.
Ang kanilang ina naman ay isang school teacher.
Read: Twitter explodes with “MA DOCTOR NAKO” after release of Physician Licensure Exam result
So social media, bumuhos ang pagbati sa magkapatid na nagtapos mula sa Ateneo de Zamboanga School of Medicine.
Isang double victory ito para sa pamilya.
Between Aiza and Amin, mas emosyunal ang huli.
Sa nag-viral na TikTok video ni Amin, makikita ang pag-iyak niya habang ka-video call ang ama, ina, si Aiza, at isa pang kapatid na magkakasama sa bahay.
Umiiyak din ang mga magulang.
Sa caption, ibinahagi ni Amin ang kanyang pinagdaanan bago pumasa sa PLE.
Aniya: “Told my parents I wanted to be away during the preparation for the boards because of overthinking and fear to disappoint.”
Si Amin kasi ay retaker ng board exams, kung kaya’t nagkasama sila ng nakababatang kapatid na si Aiza sa pag-take ng PLE.
Pahayag niya sa ulat ng Unang Hirit noong November 14, 2022, “Actually po, ahead po ako dapat sa kanya. Hindi po ako [pinalad sa first take]. Isa po akong retaker.
“Di po ako pinalad sa una, and then ngayon nagkasabay na kami ng batch ng kapatid ko.”
Nabanggit din ni Amin ang hiling niya noon sa pamilya na mag-isolate siya habang nagrereview sa kanyang second take sa board exam.
Aniya, “Actually po during my retake, parang nag-decide po ako na... nag-ask ako sa parents ko na, ‘Okay lang ba na mag-review ako outside of my comfort zone para makapag-focus ako sa mga priority ko?’”
Hindi nagdalawang-isip ang pamilya ni Amin na ibigay sa kanya ang hiningi nitong personal space.
PASSING THE BOARD EXAM TOGETHER
Samantala, ikinuwento naman ni Aiza kung paano niya nalamang pumasa sila ng kanyang Kuya Amin.
“Ginising po ako ng ate ko nung November 10, 3:00 a.m., para sabihin po na may resulta na po.
“And then sabay po naming tsinek ang aming pangalan.
“’Tapos nung nakita po namin na dalawa po ang Majid na nakasulat, tinawagan po namin agad ang aming brother, na that time po ay nasa Davao pa.
“Then sabay po naming ibinalita sa aming mga magulang that time na 3:00 a.m. po.
“So napuno po ng saya at iyak dito po sa sala namin that time.”
Ito na nga ang ipinost na video ni Amin kung saan nag-iiyakan sila.
Ano ang susunod na hakbang nina Amin at Aiza ngayong licensed doctors na sila?
Sagot ni Aiza, “Bago pa lang kaming pasang doktor. Gusto muna naming mag-serve sa public as general practitioners.
“Gusto po namin to give back to the community, especially sa mga underserved communities sa aming hometown sa Jolo, Sulu.
“After noon, balak namin na mag-specialize sa kanya-kanyang field, then magki-clinic after.”