Watch Now

Zoren-Carmina, Cassy-Darren, Mavy-Kyline triple date during the twins' birthday celebration

by Arniel C. Serato
Jan 7, 2023
Legaspi family goes on triple date
FAMILY OF SIX? Zoren Legaspi and Carmina Villarroel show positive vibes with Mavy and Cassy Legaspi and their dates Darren Espanto and Kyline Alcantara during the twins' birthday celebration last night, Jaunary 6, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kinilig ang followers nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil cool na cool sila sa mga nauugnay na personalidad sa kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Kagabi, January 6, 2023, nag-post ang mag-asawa ng mga larawan nila kasama si Cassy at rumored boyfriend nitong si Darren Espanto, at si Mavy at girlfriend niyang si Kyline Alcantara.

Kahapon ang ika-22 kaarawan nina Cassy at Mavy.

Sabi ni Carmina sa kanyang post: “Happy Birthday again @mavylegaspi @cassy enjoy the rest of the evening. [cake, party popper, heart emojis] We love you guys!”

“Be safe guys [face with sunglasses emojis],” tanging caption ni Zoren sa kanyang post.

Kung pagbabasehan ang mga mensahe nina Carmina at Zoren, tila may after-party pang dadaluhan ang kanilang kambal kasana sina Kyline at Darren.

Sa isang panayam, sinabi ni Mavy na naiintindihan niya ang kanyang ina kung hindi pa nito gaanong matanggap nung una na mayroon nang ibang babae sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero suportado naman daw ni Carmina ang relasyon nila ni Kyline.

Sabi ni Mavy, “Siyempre, bilang isang nanay at ako bilang isang Mama’s boy, siyempre nagtatampo rin si Mama.

“Merong, 'Shocks, may isa pang constant si Mavy sa buhay niya na siyempre babae rin.' Siyempre, at the end of the day, kung saan ako masaya, dun din siya.

“She’s really happy na masaya ang puso ko. Pero at the same time, alam din niya na focused din ako sa trabaho, sa goals ko, sa career ko, and alam niya na napaka-supportive din ni Kyline dun sa mga goals ko and dreams ko.

“And hindi niya ini-stop yun, and hindi niya sinu-slow down yung pag-achieve sa goals ko.

"So, kung saan ako masaya, and focused, dun din sila Mama. Happy sila.”

Read: Relasyon ni Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara, suportado ba ni Carmina Villarroel?

Samantala, sa GMA-7 program na Sarap Di Ba noong November 5, 2022, diretsahang tinanong ni Carmina si Cassy sa estado nila ni Darren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Carmina kay Cassy: "So, ano ba kayong dalawa?"

Nakangiting sagot ni Cassy: "We're very close. So, I would say best friend. Best friend ko siya."

Aminado si Carmina na hangga't maaari ay ayaw pa niyang payagan si Cassy na magka-boyfriend.

At naniniwala raw si Carmina sa sagot ng anak na hindi pa nito kasintahan si Darren.

"Ang sabi sa akin ni Cassy, e, wala daw pa sa isip niya ang boyfriend-boyfriend," ani Carmina na binigyang-diin ang salitang "pa."

Patuloy niya, "Sabi niya gusto niya mag-concentrate dito sa trabaho niya. Plus, nag-school kasi.

"So, gusto ko paniwalaan, gusto ko panghawakan na wala sa isip niya yung ganun. Di siyempre pabor sa akin yun."

"Wow!" natatawang reaksiyon ni Cassy.

Pero kung saka-sakaling magka-boyfriend na si Cassy, iintindihin naman daw ni Carmina.

"Siyempre dumaan ako sa ganun. So I am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko yun nung pagkabata ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like I said, I trust Cassy, I trust Mavy. So, huwag lang nila i-break yung trust ko."

Read: Carmina Villarroel asks daughter Cassy about real score with Darren Espanto

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FAMILY OF SIX? Zoren Legaspi and Carmina Villarroel show positive vibes with Mavy and Cassy Legaspi and their dates Darren Espanto and Kyline Alcantara during the twins' birthday celebration last night, Jaunary 6, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results