Watch Now

Ice Seguerra pens heartfelt anniversary message to wife Liza Diño

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 8, 2023
Ice Seguerra, Liza Dino 10th wedding anniversary
Ice Seguerra to wife Liza Diño: "Mula noon, alam kong hindi na kita kayang mawala ulit dahil ikaw lang ang gusto kong makita sa tuwing pag gising at ang tanging hahalikan bago matulog. Kamay mo lang ang nais hawakan habang tinatahak ang magulong mundo. Boses mo lamang ang nagpapakalma sa kaluluwang pagod."
PHOTO/S: Ice Seguerra Instagram

Madamdamin ang naging mensahe ni Ice Seguerra sa kanyang pinakamamahal na si Liza Diño.

Ngayong araw, January 8, 2023, ipinagdiriwang ng dalawa ang ika-sampung anibersaryo nila bilang magkasintahan.

Isang mahabang anniversary message ang ibinahagi ni Ice sa kanyang Instagram account kung saan idinetalye niya kung gaano siya kasaya sa piling ni Liza.

Kalakip nito ang litrato nilang magkahawak kamay.

Mababasa sa caption ni Ice (published as is), "Sampung taon mula nung nagkita tayo ulit para mag tanghalian.

"Sinong mag-aakala na yon pala ang simula ng aking habang buhay.

"Mula noon, alam kong hindi na kita kayang mawala ulit dahil ikaw lang ang gusto kong makita sa tuwing pag gising at ang tanging hahalikan bago matulog.

"Kamay mo lang ang nais hawakan habang tinatahak ang magulong mundo.

"Boses mo lamang ang nagpapakalma sa kaluluwang pagod."

Ayon pa sa singer-songwriter, pangarap lang niya noon ang makasal kay Liza at hindi niya akalain na maisasakatuparan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano man daw ang mga problemang pagdaanan nila, sigurado si Ice na kanila itong mapagtatagumpayan dahil sa pagmamahal nila sa isa't isa.

Lahad niya, "Ikinasal tayo ng Jan 8 dito sa Pilipinas. Sa harap ng ating mga magulang at malapit na mga kaibigan.

"Isang pangarap na hindi ko kailanman inasahan na matutupad. Pero posible ang lahat dahil magkasama na tayo.

"Nakakayang abutin ang mga dating pangarap lamang dahil hindi na ako nag-iisa sa pagtupad nito, magkasama na tayo.

"Malayo pa ang daang lalakarin. May mga daang bako-bako, matarik.

"Maaring madapa, mapagod, at mag-isip na sumuko pero makakaasa kang hangga't naririto tayo para sa isa't isa, makakarating tayo sa dulo ng buhay na magkahawak kamay."

Sa huli ay sinabi ni Ice na kahit anong mangyari, ang kanyang misis ang mananatili niyang ligaya, asawa, at pinakamamahal.

Saad niya, "Ikaw ang aking ligaya, ang aking walang hanggan.

"Ikaw lang. Sampung taon na tayong naglalandian!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy 10th year to us, mahal kong asawa," dagdag pa niya.

Noong December 8, 2014, nang ikasal sina Ice at Liza sa Stones & Flowers Barn and Wedding Retreat sa Sunny Patch Lane, California.

January 8, 2015, isinagawa naman ang kanilang second wedding sa pamamagitan ng isang "symbolic ceremony" na ginanap sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra to wife Liza Diño: "Mula noon, alam kong hindi na kita kayang mawala ulit dahil ikaw lang ang gusto kong makita sa tuwing pag gising at ang tanging hahalikan bago matulog. Kamay mo lang ang nais hawakan habang tinatahak ang magulong mundo. Boses mo lamang ang nagpapakalma sa kaluluwang pagod."
PHOTO/S: Ice Seguerra Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results