Watch Now

Rita Avila, FM Reyes celebrate 20th anniversary: “You & Me against the World ang umpisa ng aming love story.”

by Arniel C. Serato
Jan 19, 2023
Rita Avila, FM Reyes 20th anniversary
Actress Rita Avila on love story with husband director FM Reyes: "Ang daming kuda ng iba. Yung parang ‘You & Me against the World’ ang umpisa ng aming love story dahil Director siya at artista nya ako noon sa soap."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Masayang-masaya si Rita Avila dahil umabot na sa dalawampung taon ang pagsasama nila ng asawang si Direk FM Reyes.

Sa Instagram ngayong araw, January 19, 2023, ibinahagi ng aktres na maraming humadlang sa kanilang pagmamahal noon.

Pero ayon kay Rita, hindi sila nagpaapekto nito noon dahil silang dalawa ang nakakaalam sa totoong naramdaman nila sa isa’t isa.

Saad niya, “Eto na ngaaaa. Ang daming kuda ng iba. Yung parang ‘You & Me against the World’ ang umpisa ng aming love story dahil Director siya at artista nya ako noon sa soap.

“Eh kami naman ang nakapag-up close & personal sa isa’t isa so hindi naman kami bulag at tanga. (Maghanap kayo para sa sarili nyo no? Kayo ang higit na nakakaalam kung sino ang para sa inyo. Ganun din kami.)”

Nais daw sana ni Direk FM na gawing engrande ang kanilang pagdiriwang, pero tumutol siya.

Saad ni Rita, “Ayan, 20 years na kamiiiii! January 19, 2003 Simple, quiet and private, just the way I liked it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iba ang gusto sana ng asawa ko, yung maraming kakanta na choir members parang nasa langit. Eh gusto ko sa lupa lang. Ganun ako ka-grounded.”

Kuwento pa ni Rita, naging payak lamang ang pagsasama nila ng asawa. Nagbiro pa nga siyang nanganak na siya ng tatlong manika.

Noong 2006 ay nagsilang si Rita ng baby boy, na pinangalanan nilang Elia Jesu, ngunit binawian ito ng buhay wala pang isang buwan dahil sa heart failure.

Read: Rita Avila still coping with her son's death

Ani Rita, “Bahay-bahayan. Nanganak ako ng 3 manika (Popoy, Mimay at Pony) tapos pinanganak ko si Elia Jesu (eeleeya yesu) eh tinawag agad ng Diyos Ama sa langit. Nagsunod-sunod ang panganganak ko ng mga furbabies hanggang sa niluwa ko si Kate (anak-anakan namin na parang tunay na).

“So…loving requires maturity, readiness, trust, respect, strength, support, lotsa humor, money (dapat may sapat), acceptance, time together, time for self, (marami pa talaga) and God should really be the center. #marriage #anniversary #couples

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rita Avila on love story with husband director FM Reyes: "Ang daming kuda ng iba. Yung parang ‘You & Me against the World’ ang umpisa ng aming love story dahil Director siya at artista nya ako noon sa soap."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results