Francine Diaz fangirls over Kathryn Bernardo on her birthday

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 29, 2023
Francine Diaz fangirls over Kathryn Bernardo
Kapamilya actress Francine Diaz (left) describes Kathryn Bernardo's (right) birthday greeting as her "favorite birthday gift."
PHOTO/S: Francine Diaz/Kathryn Bernardo Instagram

Hindi napigilang kiligin at matuwa ng Kapamilya actress na si Francine Diaz nang batiin siya ni Kathryn Bernardo sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Nitong nakaraang Sabado, January 28, 2023, ipinagdiwang ni Francine ang kanyang ika-19 kaarawan kung saan nakatanggap siya ng mga pagbati at regalo mula sa mga malalapit na kaibigan at kapwa celebrities.

Ngunit sa rami ng nag-message at nagpaabot ng birthday greetings, bukod tanging ang mensahe daw ni Kathryn ang nagpakilig at nagpatuwa sa kanya.

Sa Instagram stories ng Dirty Linen star, makikita ang naging pagbati ni Kathryn na siyang itinuturing niyang "favorite birthday gift."

"Happy birthday, bb!" simpleng bati ni Kathryn.

Agad naman itong ini-screenshot ni Francine at ipinost sa kanyang Instagram Story.

Saad niya, "Thank you ate Kath!!!

"Sorry po sa lahat ng nagbigay ng birthday gifts sakin kasi ito po talaga yung favorite birthday gift ko [cry and heart emoji]."

Francine Diaz fangirls over Kathryn Bernardo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, maliban kay Kathryn, nagpaabot din ng belated birthday greetings ang onscreen partner niyang si Seth Fedelin.

Read: Francine Diaz on Seth Fedelin: "We're getting to know each other"

Sa Instagram nitong Linggo, January 29, 2023, ibinida ni Seth ang espesyal na regalo niya kay Francine, kalakip ang kanyang sweet birthday greeting.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Happy Birthday @francinesdiaz !!!

"Sorry late na pero gusto ko lang iyabang yung regalo ko ahahaha alam ko simple lang pero salamat dahil natuwa sya ahahaha yung mga paborito mo lang naisip ko ibigay, habol ko nalang gift sa susunod.

"Ayun di na ako mag sasalita ng marami alam mo na yun chin [heart emoji].

"Galingan mo palagi at wag papabayaan sarili mo, bilib ako sayo sa pagiging Anak Kapatid Kaibigan!!!! Odit [dito] lang ako palagi [heart emoji]."

Dagdag pa niya, "Salamat nga pala kay ate sa napakasarap na manga at sa mga tropa natin na naawa saakin kasi di ko makuha-kuha."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Francine Diaz (left) describes Kathryn Bernardo's (right) birthday greeting as her "favorite birthday gift."
PHOTO/S: Francine Diaz/Kathryn Bernardo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results