Hindi kataka-takang kaba ang initial reaction ni Colonel Edison “Bong” Nebrija nang makatanggap ng akala niya ay electric bill.
Sa unang tingin kasi, ang disenyo ng white envelope ay kahawig ng envelope na karaniwang naglalaman ng billing statement mula sa Meralco.
Yun pala, isa itong wedding invitation ng kanyang mga magiging inaanak sa kasal!
Read:
- Caramel cake na “1% cake at 99% dedication,” pinagpiyestahan ng netizens
- Birthday cake na sermon ang dedication: “Kita mo ngang wala pa kaming sweldo.”
Ipinost ni Nebrija, Metropolitan Manila Development Authrority (MMDA) traffic control chief, ang larawan ng kakaibang wedding invitation.
Caption ni Nebrija (published as is): “Yung akala mong Notice of Disconnection ngayon pala Notice of Invitation!
“Pambihara LA and Joy pinakaba nyo ako dun ah. Akala ko Meralco ngayon pala Mahalco!
“Hahaha the most unique invitation I ever had.”
Mukha ngang Meralco billing statement ang envelope. Maging ang design at lettering ng text ay kopyang-kopya.
Pero kung titingnang mabuti, ang Meralco logo and text ay “Mahalko” at ang “mailing address” ay information pala ng wedding details.
Ang ikakasal ay ang radio disc jockey na si Joy Babor a.k.a. Lyka Barista at reporter na si Luisito Santos.
NETIZENS REACT
Ikinatuwa naman ng netizens ang post ng traffic control head.
Tinukso si Nebrija na marunong din pala siyang kabahan.
“Tumibok ang puso ko,” balik-biro nito.
Biro naman ng isa pa: “Nakakabahala namang invitation yan”
Biro naman ng bride-to-be, may “disconnection notice” daw ito sa loob at wag daw itong kalimutang “bayaran.”
Tila nais tukuyin ng bride-to-be ang pakimkim sa kanyang nalalapit na kasal.
May mga pumuri rin sa anila ay “most unique invitation.”
Sang-ayon naman ang iba na creative ang naturang invitation.