Julie Anne San Jose celebrates 29th birthday with Aeta community in Pampanga

Julie Anne: "Birthday blessings are always best when shared..."
by Khryzztine Joy Baylon
May 24, 2023
Julie Anne San Jose celebrates 29th birthday
Julie Anne San Jose celebrated her 29th birthday with the Aeta community in Inarao, Porac, Pampanga: "Birthday blessings are always best when shared...It was indeed a blessing to be with the children and see their beautiful smiles."
PHOTO/S: Julie Anne San Jose Instagram

Espesyal ang pagdiriwang ng kaarawan ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Noong May 17, 2023, ipinagdiwang ni Julie Anne ang kanyang ika-29 kaarawan.

Maliban sa nauna niyang selebrasyon kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan, may hiwalay ring selebrasyon si Julie Anne kasama naman ang mga batang katutubong Aeta sa isang komunidad sa Inarao, Porac, Pampanga.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, May 23, 2023, ibinahagi ng Maria Clara at Ibarra star kung gaano siya kasaya sa naging pagdiriwang ng kanyang espesyal na araw.

Ayon sa Kapuso star, "blessing" niyang maituturing na makasama ang mga batang Aeta at personal na makita ang saya at ngiti ng mga ito sa dala niyang munting sorpresa.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Birthday blessings are always best when shared.

"I had a lovely time with the members of the Aeta community in Pampanga.

"It was indeed a blessing to be with the children and see their beautiful smiles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Julie Anne, noon pa man ay talagang malapit na ang puso niya sa mga bata.

Ito ang sinabi niya sa video na in-upload ng Sparkle GMA Artist Center sa YouTube nang tanungin kung bakit sa ganoong paraan niya napiling ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Ani Julie Anne, "Mahilig kasi talaga ako sa mga bata. For some reason, sobrang hilig ko talaga sa mga bata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May kasabihan nga, di ba, na parang yung mga bata, sila yung future natin.

"Sila yung susunod na generation natin. Kaya yung pagmumulat sa kanila talagang nakapaimportante.

"Yung makita nila or, like, maipamana sa kanila yung mga ganitong gawain, like pakikipagkapwa-tao, kasi ayon yung dadalhin nila sa next generation."

Ang makapagbigay saya at kaunting tulong sa iba ay isa lang daw sa nakikitang paraan ni Julie Anne para ipagpasalamat ang mga biyayang natatanggap niya sa buhay.

Sabi niya, "Importante sa akin na ibahagi yung blessing na nare-receive.

"Huwag mo sarilinin lang ang mga natatanggap mo. Ibahagi mo siya sa iba, kasi yun ang totoong pagmamahal."

Kasama rin ni Julie Anne ang nobyo niyang si Rayver Cruz na nakisaya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Pampanga.

Read: Rayver Cruz declares love for Julie Anne San Jose: “Ikaw na talaga yung nakikita kong makakasama ko habang buhay.”

JULIE ANNe EARNS PRAISE FROM NETIZENS

Maraming netizens ang naantig sa ginawang kabutihan ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng kanyang Instagram post ay bumuhos ang pagbati at pagsaludo ng kanyang fans at co-stars.

Kabilang sa mga nagkomento sa kanya ay sina Rodjun Cruz, Zephanie Dimaranan, Lovely Abella, Janeena Chan, at Anthony Rosaldo.

Julie Ann San Jose celebrates 29th birthday

Read: Rodjun Cruz believes brother Rayver Cruz will end up marrying Julie Anne San Jose

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami rin sa netizens ang humanga kay Julie Anne.

Komento ng isa, "Sana lahat ng artista ganito kasi grabe yung happiness ng mga bata. God bless you more Julie."

Sabi ng isa, "Wow, sabi nga nila share your blessing and the more you give the more u receive. That's why I like you Jules, because you have a big heart, just keep it up and more blessings to come."

Ayon naman sa isa, "The design is very Maria Clara. Maligayang Kaarawan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose celebrated her 29th birthday with the Aeta community in Inarao, Porac, Pampanga: "Birthday blessings are always best when shared...It was indeed a blessing to be with the children and see their beautiful smiles."
PHOTO/S: Julie Anne San Jose Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results