Ginulat ni LJ Reyes ang mundo ng showbiz nang ianunsiyo niya, sa pamamagitan ng Facebook at Instagram, ngayong Martes, May 30, 2023 (Philippine time), ang kanyang engagement kay Philip Evangelista.
Sa mga larawang ibinahagi ni LJ, kitang-kita ang kaligayahan niya sa piling ng kanyang non-showbiz fiancé.
Read: LJ Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend Philip Evangelista
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong nalaman ng publiko na mayroon pala siyang karelasyon mula nang siya ay manirahan sa New York, noong September 2021, kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer.
Isa sa unang nagkomento sa post ni LJ ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Mensahe ni Marian, “Awwww [heart emoji] #happiness [praying hands emoji]”
Puro “congratulations” at heart emojis naman ang comment nina Carla Abellana, Cristine Reyes, Iza Calzado, Melai Cantiveros, at Andrea Torres.
Gayundin sina Kaye Abad, Nadine Samonte, Joyce Ching, Valeen Montenegro, Nikki Valdez, Say Alonzo, Nikka Garcia, LJ Moreno, at Sugar Mercado.
Nagpahayag naman ng kaligayahan para kay LJ sina Isabel Oli, Gladys Guevarra, Rocco Nacino, Melissa Ricks, at Gary Valenciano.
Nakakatuwa naman ang mga komento ng malalapit na kaibigan ni LJ na sina Camille Prats, Ryza Cenon, at Sheena Halili.
Sabi ni Camille, “Maaaaars!!!! [face holding back tears emojis] so so happy for you!!!! Kaya ka pala nananahimik dyan ah!!!! [heart emojis]”
Ayon naman ni Ryza, “[heart emojis] awww gf!!!!!!! Ang saya saya ko para sayo! [face with three hearts emoji]”
Sabi naman ni Sheena, “Maaaars [heart, crying face emojis] masayang masaya ako para sayo!”
Congratulations, LJ and Philip!