Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man

“Best punchline from a best man's speech ever."
by KC Cordero
6 days ago
The couple
Bentang-benta sa mga bisita ang speech ng best man na nagbahagi ng isang memorable moment ng couple bago ikinasal ang mga ito.

Pinasaya ng best man ang atmosphere sa isang Scottish wedding dahil sa revelation niya sa kanyang speech.

Ang best man ay si Derek.

Kapatid niya ang groom na si Gary, na ikinasal kay Kirsty.

Ginanap ang reception sa Doubletree Dunblane Hydro, Perthshire.

Sa isang video na nai-post sa TikTok ng wedding photographers na We Are One Wedding Films, binalikang-tanaw ni Derek ang isang partikular na “special Christmas” na pinagsaluhan nina Gary at Kirsty.

Read: Pagiging Top 1 sa board exams, advantage ba sa job hunting?

The best man

Read: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam

Pagsisimula ni Derek, "One Christmas morning, I got up in my mum and dad's house, buzzing I may add.

“Walked down the stairs to open my presents only to be greeted with a slap from my mum.”

Nagulat si Derek sa sampal ng kanyang ina.

At tanong umano nito sa kanya, “What did I tell you about bringing folk back here?”

Sagot naman niya sa ina, “What are you talking about, mum? I've been in my bed the full night.”

Biro pa ni Derek, "Obviously she's not thinking about golden child next door."

Dito pa lang ay makikita na sa video na nanlaki ang mga mata nina Gary at Kirsty—bagaman at natawa na ang bride.

Read: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam

The couple

Read: Jezriel James Jacob, pinagsabay ang pag-aaral at pag-aalaga sa ama, summa cum laude at Top 5 sa board exam

Nagmuwestra si Gary na tumigil na sa pagsasalita ang kapatid.

Pagpapatuloy ni Derek, "So, we're in the living room opening a couple of presents.”

Kasama niya sa pagbubukas ng regalo ang kanyang ama’t ina.

Bigla umano silang nakarinig ng mga ungol at langitngit mula sa isang maliit na kuwarto sa kanilang lumang bahay.

Sa video ay halatang medyo na-embarrass si Kirsty at na-shock si Gary na halata ang panlalaki ng kanyang mga mata.

Kuwento pa ni Derek, "At this point I go up the stairs, open Gary's room.

“And there you have it, Kirsty Currie, lying with her legs at ten to two.”

Ang lakas ng naging hagalpakan ng mga bisita.

Maging sina Gary at Kirsty ay hindi na rin napigilan ang mapahalakhak.

Read: Ma. 3’shxia Domingo, regional topnotcher, naaberya sa criminology board exam dahil sa name

The couple

Read: Roderick Cajefe, nagpagawa na ng "congrats" tarpaulin bago naging topnotcher

Ang “10 to 2” ay ang posisyon ng legs ng babae kapag nakikipagtalik.

Tinapos ni Derek ang kanyang speech sa: "She certainly never came down the chimney in that position anyway. Merry Christmas, Kirsty."

Kung pagbabatayan ang naging reactions nina Gary at Kirsty, hindi nila inakalang ilalahad ni Derek ang kuwentong iyon sa araw mismo ng kanilang kasal.

Pero bentang-benta ito sa mga bisita na hindi matapus-tapos ang pagtatawanan.

Read: Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift

Ang video clip ng speech ni Derek ay may caption na: "This could be the best punchline from a best man's speech ever."

Nakakuha na ang video ng mahigit six million views.

Dagsa rin ang mga nagkokomento.

Anang isang nag-comment, kitang-kita sa mga mata ni Gary ang “absolute fear.”

Dagdag nito, “That's when you know the speech is going to be good."

Singit naman ng isa, may paraan ang mga Scottish ng pagkukuwento na hindi kayang pantayan.

Kung sa Pilipinas kasi ito nangyari, baka hindi magustuhan ng bride, lalo na ang parents ng babae, kung conservative ang pamilya.

Ayon kay Larry Dean, isang Scottish professional comedian, sa panayam ng The Herald noong August 14, 2016, kultura talaga sa Scotland ang pagtawanan ang kanilang mga sarili nang hindi sila na-o-offend.

Ani, Larry, “If there’s one thing we Scottish like to laugh at, it’s ourselves.”

Dagdag pa niya, ang mga Scottish ay hindi particularly attached sa anumang specific image o kung paano nila gustong ipakita sa mga tao kung sino sila.

“If someone wants a cheap laugh at our expense, they’re more than welcome to go ahead.

“We’d probably laugh louder than anyone else.”

Read: "Pride of Cagayan" Jaime Baquiran Jr., Top 2 in Mining Engineering Licensure Exam

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bentang-benta sa mga bisita ang speech ng best man na nagbahagi ng isang memorable moment ng couple bago ikinasal ang mga ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results