Pinoy janitor na nanalo ng $5M sa lotto hindi magre-resign sa trabaho

by Maris So
May 30, 2019
Filipino janitor Vito Halasan wins a lottery jackpot amounting to PHP270 million in Canada.
PHOTO/S: British Columbia Lottery Corporation

Isang Pinoy na nagngangalang Vito Halasan ang nanalo ng lotto jackpot sa Canada.

Nasa seven million CAD (Canadian Dollars) o PHP270 million (base sa current exchange rate) ang halaga ng napanalunan niya noong April 27, 2019.

Ayon sa press release ng British Columbia Lottery Corporation, pasok lahat ang six digits sa 6/49 lotto ticket ni Halasan.

Halos hindi raw makapaniwala ang pamilya nito.

Sa press release, isinama ang reaksiyon ng isa sa mga anak ni Halasan.

Aniya, "He sat me down at the table. And then he whispered really quietly to me that he won $7 million dollars. I didn’t believe him. We had to check online several times."

Balak daw ng lotto winner na bumili ng bahay para sa tatlong anak at apat na apo.

"I buy lottery tickets so I can dream. I dream of being able to take care of my kids and make their future better. Now we'll be able to buy a nice house for my children and grandchildren."

Continue reading below ↓

Pero, hindi raw ito magre-resign sa kanyang trabaho bilang janitor, sa halip ay babawasan nito ang kanyang work hours.

Taong 2009 nung nag-migrate sa Canada ang lotto winner na nag-celebrate din ng kanyang 58th birthday noong buwan ng Abril.

Read Next
Read More Stories About
vito halasan, bclc
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino janitor Vito Halasan wins a lottery jackpot amounting to PHP270 million in Canada.
PHOTO/S: British Columbia Lottery Corporation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results