Grandma in Caloocan neighborhood gives tricycle drivers food packs from her sari-sari store

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2020
Carol Coronado, 74 (center), earns praise from netizens for giving grocery items from her own small store to tricycle drivers in Celina Homes 2 Subdivision, Deparo, Caloocan City.
PHOTO/S: Courtesy: Lily Mayo Castro on Facebook

Nag-viral sa Facebook ang simpleng post ng netizen na si Bayani Allan Dimatulac tungkol sa isang lola na namimigay sa tricycle drivers sa kanilang lugar ng libreng bigas at de lata mula sa kanyang maliit na tindahan.

Nakasaad lang sa post ni Bayani noong April 3: “Ang matandang yan kakabilib nagawa niyang tumulong sa mga tricycle driver na nawalan ng pagkakakitaan!

"nagbigay ng mga pagkain galing sa kanyang sariling munting tindahan. di na niya kailangan magpa contest o pahirapan ang mga kabarangay!

"'yan ang dapat tularan! walang halong pulitika sa gitna ng kalamidad!”

Continue reading below ↓

Umabot na sa 111,000 likes, 201 comments, at 184,000 shares ang inani ng post na ito ni Bayani.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"MABUHAY PO KAYO, TITA CAROL!"

Nagpaaabot ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bayani kung maaari bang isulat ang kanyang post.

Ayon sa kanya, nakita lang din niya ito sa Facebook.

Tinulungan naman niya kaming matunton ang original uploader nito.

Ibinahagi na rin pala ito sa Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA noong March 28.

Nakalagay sa post nila: “Share your blessings.

"Kapitbahay namin si Tita Carol. 74 years old na siya.

"Napansin niyang mahirap ‘yung sitwasyon natin ngayon.

"‘Yung mga tricycle driver, walang pasada.

"Kaya naisip ni Tita at ng kanyang pamilya magbigay ng kaunting relief goods para sa mga driver, para makatulong kahit papaano.

"Lalo na ngayon na wala silang kita.”

“Mabuhay po kayo, Tita Carol! (heart emoji)"

Continue reading below ↓

Meron naman itong 90,000 likes, 2,300 comments, at 3,900 shares.

#SHAREYOURBLESSINGS

Ang original na nag-post tungkol kay Lola Carol ay ang netizen na si Lily Castro Mayo.

Sabi ni Lily sa kanyang post noong March 26: “Sa lahat ng tricycle driver ng Celina Homes 2 Subd. Deparo Caloocan City, mayron po kami konting relief goods po dito sa blk.7 lot 9 (Tita Carol Coronado and family) Matthew St.

"“Keep safe everyone.. (three praying hands emojis)

#ShareYourBlessing

Continue reading below ↓

Pinayagan niya ang PEP.ph na ibahagi ang post niyang ito.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
We Need Stories Na Kakaiba. Inspiring Man O Shocking, Winner ‘Yan. Share Naman, O.
Tungkol kanino ang kwento mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Anong kakaibang story ang gusto mong i-share? Kwento mo dito
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carol Coronado, 74 (center), earns praise from netizens for giving grocery items from her own small store to tricycle drivers in Celina Homes 2 Subdivision, Deparo, Caloocan City.
PHOTO/S: Courtesy: Lily Mayo Castro on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results