Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Katutubong Aeta na tinukso at inalipusta noon, senior high graduate na ngayon

by Rommel R. Llanes
2 days ago
Video: Summit Media Video Team: Mart Francisco.

Noong 2017, isa ang katutubong Aeta na si Bimiana Capuno sa mga bagong iskolar ng GMA News reporter na si Kara David.

Kabilang si Bimiana noon sa Project Malasakit, ang proyektong sinimulan ni Kara na layuning tulungan ang mga kabataang gustong mag-aral ngunit kapos sa salapi.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pag-aaral at mga natatamong karangalan, nakaranas ng depresyon si Bimiana.

Hindi niya nakayanan ang nakukuhang panunuya at panunukso ng ilang tao dahil sa kanyang hitsura.

Dahil nga sa kanyang pagiging Aeta.

Natatandaan pa ni Bimiana ang ginawa niyang pagtawag kay Kara, "Ayoko nang mag-grade 12, ayoko nang mag-aral, ayoko nang... ayoko na talaga!

"Thank you po sa lahat..."

Handa na raw talaga niyang iwan ang lahat ng kanyang narating at natamo sa pag-aaral. Pinasalamatan na niya ang lahat ng taong tumulong sa kanya.

Pero hindi naman ganun kadaling tinanggap ni Kara ang kanyang pamamaalam.

Sabi raw sa kanya ng Kapuso news reporter, "'Kaya mo... itutuloy mo... Ipapagamot kita.'"

Continue reading below ↓

Naalarma naman si Bimiana sa sinabing ito ni Kara.

Sagot daw niya rito, "Ayoko po. Pag pinagamot niyo 'ko, baka isipin ng mga kaibigan ko, nabaliw ako, nagpa-psychiatrist ako..."

Hanggang sa naisip niya na kaya siguro hindi siya matanggap ng mga taong nakakasama niya ay dahil hindi rin niya tanggap kung sino siya talaga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Acceptance po talaga. Tinanggap ko po yung una, yung pagkatao ko, bago ko po tinanggap yung bagong mundong ginalawan ko," napagtanto raw ni Bimiana sa sarili.

Dala ang panibagong tiwala sa sarili, nagpatuloy sa pag-aaral si Bimiana at napanagumpayan ang senior high school.

Ngayon, sa tulong pa rin ng Project Malasakit at ni Kara, nakatakdang suungin ni Bimiana ang pagkokolehiyo.

"Hangga't may Project Malasakit, hindi po ako titigil. Itutuloy ko ang pagkokolehiyo talaga.

"Lagi pong sinasabi ng tatay ko na, 'Hindi kami nakapag-aral, hindi ko naranasang magsuot ng toga, makatanggap ng diploma.'

"Naiisip ko na po yun. So parang sabi ko na hindi lang para sa tatay ko, para sa ikararangal ng tribo ko.

Continue reading below ↓

"Kasi po sa ngayon po kasi, gusto ko pong mangyari, ma-inspired yung buong mga indigenous people rin po sa buong Pilipinas.

"Hindi lang po talaga mga Aetas dito po sa Pampanga, or kahit saan pa po na lupalop ng Pilipinas.

"Ang kailangan po naming mga katutubo ay respeto at pagsuporta."

At muli, matapos pagdudahan ang sarili at makaranas ng pagkadismaya dahil sa pagtratong natanggap sa isang katulad niya Aeta, sinasabi ni Bimiana:

"Bago ko hinarap yung mundo, tinanggap ko muna po kung sino talaga ako. Yun po yung naging puhunan ko."

(Sa halagang PHP2,000 kada buwan, makakatulong ka nang magpaaral ng isang batang kapos sa kakayahang pinansiyal at mabigyan ito ng mas magandang kinabukasan. Mag-donate sa Project Malasakit. Bisitahin ang karapatria.com para malaman kung paano makatulong.)

Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results