Meet Sophiya Montano, a teenager raised by two moms

"The good thing about me growing up is that I'm surrounded by people who actually support me," Sophiya Montaño said. Also in photo are her two moms.
PHOTO/S: Sophiya Kirsten Montaño on Facebook

Mas bukas na ang kaisipan ng mas marami sa mas malawak na konsepto ng salitang "pamilya."

Ngayon, pamilya na ring itinuturing ang isang single mom o dad na mag-isang itinataguyod ang kanyang anak.

Pamilya na ring itinuturing, bagamat kontrobersyal pa rin, ang mga kabilang sa same-sex relationships. Lumalaki ang mga anak nila na kung hindi dalawa ang ama ay dalawa ang ina.

Marami ang hindi pa pamilyar sa ganitong sitwasyon kaya naman viral si Sophiya Montaño nang ipasilip niya sa mga tao ang talagang pakiramdam ng lumaki sa isang non-traditional family na tulad ng kanila.

Two months si Sophiya nang dumating siya sa mga mommies niya.

Kuwento niya sa interbyu, kasama ang Summit Media, lumaki siyang sanay makipag-usap sa mga tao, kahit na sa mga mas nakakatanda sa kanya.

Aniya, "I've been with my mom since I was two years old.

"They really taught me how to converse with adults by letting me stay, like in their office, when I was young.

Continue reading below ↓

"That's why, I developed this communication skill that I am not scared to converse with adults on very sensitive issues."

Dahil nga iba sa nakasanayan ang set-up ng pamilya nina Sophiya, sa murang edad ay nakaranas siya ng diskriminasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngunit, ayon sa kanya, tinuruan siya ng kanyang mga ina na panindigan ang kanyang mga paniniwala at huwag matakot ihayag ang nararamdaman.

Pagpapatuloy ni Sophiya, "Growing up, going to sectarian schools, a lof the teachings there are very traditional.

"'This should be the basic unit of a family. The members are supposed to be a father and a mother.'

"And sometimes, as a child, it really hurts you to not be able to hear what your family's composed of."

Dati, nalulungkot daw siya at minsa'y umiiyak pang umuuwi sa bahay, "Mom, they disagree with this family...."

Pero hindi niya ikinakahiya ang kanyang pamilya.

Ika naman ng mga nanay niya, "Choose your battles."

Continue reading below ↓

Dugtong ni Sophiya, "I think the way my moms tell me that I should tell anyone how I feel regardless, that's like the best form of love they could give me.

"The way they tell me to express myself all the time, the values, the principles, that's the best support and love they could give me.

"The good thing about me growing up is that I'm surrounded by people who actually support me."

Nang i-post niya ang saloobin sa Facebook, maraming mga tulad niya ang naka-relate, at agad nagpasalamat sa pagiging matapang niyang halimbawa ng makabagong pamilya.

Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview dito:

Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The good thing about me growing up is that I'm surrounded by people who actually support me," Sophiya Montaño said. Also in photo are her two moms.
PHOTO/S: Sophiya Kirsten Montaño on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results