Mga mars, kaya niyo rin bang tumira sa van katulad ni Mumshie?
Oct 9, 2020

Meet Katrina Quisil, isang single mom of two na may dalawang trabaho bilang licensed pharmacist at bank specialist.

Sa tipo ng trabaho niya at bilang isang ina, kinakailangan niya ring mag-unwind nang madalas para makapag-recharge—maggala, mag-out-of-town, magliwaliw.

Mabuti na lang at kayang-kaya niya itong gawin nang hindi kinakailangang gumastos nang malaki at kasama pa niya sa paggala ang kanyang mga anak at ang kanilang bahay.

Yes. Ang buo niyang bahay.

Nakatira kasi si Katrina at ang kanyang mga anak sa kanilang Suzuki DA62 Big Eye Van na na-convert into a mini-camper.

Kahit na maliit at cute na cute ang van nilang ito, narito ang lahat ng kinakailangan nila.

Sa Zoom interview sa kanya ng Summit Originals video producer na si Jean Saturnino, ibinida ni Katrina ang kanyang van life—ang tawag sa tipo ng lifestyle niya ngayon.

"It gives me peace. It gives me a break from my day-to-day stress.

"It's like a recharge button for me after a busy week without breaking the bank," sabi Katrina kay Jean tungkol sa isa sa advantages ng pagtira sa kanyang van.

Panoorin ang video na ito para malaman kung paano na-convert ni Katrina ang kanyang van para maging isang mini-camper at ma-inspire sa kanyang van life.

HOT STORIES

Video Producer and Editor: Jean Saturnino

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results