From curving ice to sculpting saints: Meet the man behind the viral Blessed Carlo Acutis statue

by Jerry Olea
Oct 25, 2020
Blessed Carlo Acutis image with sculptor Felman Bagalso.
Paete, Laguna sculptor Felman Bagalso never thought his Blessed Carlo Acutis work will go viral.
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi patron saint ng internet si Blessed Carlo Acutis (Mayo 3, 1991-Oktubre 12, 2006).

“Wala siyang patronage,” paglilinaw ni Christoffer Denzell Aquino nitong Oktubre 23, Biyernes via Facebook Messenger.

Namatay si Carlo at the age of 15, and he used the internet for Evangelization especially about the real presence ni Jesus sa Eucharist and Marian apparitions.”

Si Denzell ay seminarista na tubong-Moncada, Tarlac. Nasa Fiumicino, Italy siya, at nagpalilok ng three-foot statue ni Carlo kay Felman Bagalso na taga-Paete, Laguna.

Christoffer Denzell Aquino

Continue reading below ↓

Nililok ni Felman mula Pebrero hanggang Hulyo o Agosto ng taong ito ang imahe ni Carlo sa kahoy na baticulin, ang materyal na madalas gamitin sa paglilok ng mga imahe ng santo.

Pagtatapat ni Denzell, “Ipinangako ko kay Carlo dati noong Servant of God pa lang siya na papagawan ko siya ng image if ma-beatify siya to thank him sa pag-inspire sa akin at sa pag-intercede sa vocation ko.”

Christoffer Denzell Aquino

Continue reading below ↓

Sa Simbahang Katoliko, ang titulong “Servant of God” ay ibinibigay sa indibiduwal na nasa unang hakbang sa proseso ng paghihirang dito bilang santo.

Blessed Carlo

Self-taught computer programmer si Carlo, na nakilala sa pag-document ng Eucharistic miracles sa iba’t ibang panig ng mundo.

Isinaayos ni Carlo ang mga himala sa isang catalogue na nakalagay sa ginawa niyang website na kilala na ngayon bilang The Eucharistic Miracles of the World.

Blessed Carlo Acutis

Continue reading below ↓

Sa loob ng ilang buwan bago siya pumanaw sa sakit na leukemia, ito ang pinagkaabalahan niya.

Ang beatification kay Carlo ay noong Oktubre 10, 2020, Sabado sa Basilica of Saint Francis of Assisi sa Assisi, Italy.

Nang araw ring iyon, Sabado ng 5:00 pm ay binasbasan sa Saint James the Apostle Parish Church ng Paete ang imahe ni Carlo na nililok ni Felman.

FROM CURVING ICE TO sculpting SAINTS

Pito at kalahating taon na nagtrabaho si Felman sa Marriott Hotel ng bansang St. Kitts and Nevis sa Carribean Sea bago siya nagpasyang umuwi sa Paete noong 2013.

“Kitchen artist ako doon. Nag-uukit ako ng yelo, saka chocolate. Minsan, yung styrofoam na malalaki,” malumanay na lahad ni Felman, 54, nitong Biyernes ng hapon nang mainterbyu namin sa kanyang workplace sa Brgy. 2 Maytoong.

“Ang nangyari, inalis nila yung ice carving, yung mga ukit. Hindi raw kumikita sa ukit. Parang hindi naa-appreciate yung ukit doon sa Carribean.

Continue reading below ↓

“Mag-concentrate na lang daw ako sa kusina. Naghihiwa ako ng mga gulay, prutas. Doon ako napalagay sa cold side. Naging supervisor naman ako doon.

“Kaya lang, nainip ako sa araw-araw na ginagawa kong trabaho doon. Hiwa ng gulay, hiwa ng prutas, hiwa ng karne. Kaya umuwi ako.

Pinababalik ako doon, pero ayaw ko nang bumalik.”

Nag-business ang mag-asawang Bagalso ng sushi, pero nawalan doon ng interes si Felman. Hindi siya masaya sa kahihiwa ng sushi.

Mula 2014, nag-focus na si Felman sa gusto niyang gawin mula pagkabataang pag-uukit.

Paisa-isa lang ang nagpapalilok noong una sa kanya. Ang dami kasing naglililok sa Paete. Matindi ang kumpetisyon.

“Nag-concentrate talaga ako sa mga madedetalyeng trabaho. Katulad nung Salud, ang daming detalye!” bulalas ni Felman.

Ang "Salud" na may parehong bersyon ng imahe nina Sto. Niño at Birheng Maria ang tinutukoy ni Ferlman.

“Noon, yung isang piraso lang na maliit, mga 12 inches, inaabot ako ng lampas one week. Matagal na sa akin yun.

Continue reading below ↓

Felman Bagalso

“Kung ano talaga, nagagawa iyon ng dalawa hanggang tatlong araw lang. Samantalang ako, inaabot pa ng lampas one week. Siguro, mga 8 days, 9 days.”

Kumusta ang trabaho niya sa panahon ng pandemya?

Napangiti si Felman, “Bago magkaroon ng pandemya, marami na rin akong nakahilerang mga trabaho. Noong pumasok ang pandemyang iyan, mas... parang nadoble yung aking ano.

Continue reading below ↓

Siguro, gawa ng preparasyon ng mga... magho-Holy Week, yung panaha [budget, panghanda] nila doon sa Holy Week na iyon, hindi nagastos. Dito nila ginagastos sa pagpapagawa ng mga ukit.

Nagulat ako. Pero hindi lang naman ako, meron pang ibang nag-uukit sa Paete na dumami ang trabaho.”

SCULPTING BLESSED CARLO

Nang ipalilok ni Denzell ang imahe ni Blessed Carlo noong Pebrero, ano ang alam dito ni Felman?

Nagbigay lang si Denzell ng picture, ‘Ayan, gawin moyan, ha?’

Nagbigay siya ng picture na front view. ‘Kailangan ko rin ng side view,’ sabi ko. At OK nayan. Parang mug shot,” pakli ni Felman.

Ang misis ni Felman na si Antonia ang contact ni Denzell. Sa Facebook lang nagkakilala sina Denzell at Antonia.

Bago ang imahe ni Carlo, nagpagawa na si Denzell ng imahe ng Santo Niño, at iba pa.

“Lahat ng customer namin, sa Facebook lang. Ako ang secretary. Kahit madaling araw, pag nagising ako, nakikita kong may message,” saad ni Antonia.

Continue reading below ↓

Sambot ni Felman, “Doon lang talaga kami nakakakuha ng trabaho, sa Facebook.”

Noong ipalilok kay Felman ang three-foot image ni Carlo, basta lang niya ginawa iyon.

“Wala akong idea na mate-trending yan. Pangkaraniwan lang naman sa akin yung, ‘Magbigay kayo ng picture, sige, gagawin ko.’ Ganu’n lang.

“Pag gumagawa ako ng item, halimbawa, yung kay Carlo na ulo, pag nabagbag ko na iyon, iiwanan ko iyon, gagawa ako ng iba.

Karaniwan na tatlo ang sabayan kong ginagawa. Pag nagsawa ako doon, dito naman. Pag nagsasa ako dito, punta naman ako dine,” pagmuwestra ni Felman.

Unang nililok ni Felman ang ulo ni Carlo. Sumunod ang mga kamay, saka ang katawan. Tapos, yung base, sapatos.

Singit ni Antonia, “Nagpadala pa si Denzell ng gagayahing sapatos. May mga paliwanag si Denzell sa sapatos, kung bakit ganoon ang sapatos.”

Susog ni Felman, “Sabi ko, bakit uukitin pa yung sapatos? Bakit hindi pangkaraniwang sapatos na lang?’ E, rubber shoes pa yung ano, e.

Continue reading below ↓

Nagpakuha pa ako diyan ng ibang anggulo ng sapatos...

“Noong natapos ko ang ulo’t kamay ni Carlo, tuwang-tuwa si Denzell.

Sabi ni Denzell, ‘Kahawig na agad!’”

Hulyo o Agosto natapos ni Felman ang paglilok kay Carlo. Nanatili ang imahe ni Carlo na walang saplot sa workplace ni Felman hanggang sumapit ang Oktubre.

Pagbuntong-hininga ni Antonia, “Nandito lang si Carlo noon. Sabi ni Denzell, ‘Pa-picture nga po kay Carlo, titingnan ko.’

“May ginawang ano sa Italy, parang poster ni Carlo. Ay! Hindi sinasadya, magkahawig sila.”

Paliwanag ni Denzell kapagkuwan via Messenger, “Meron kasi po akong isang friend na nag-work noong in-exhume iyung body ni Carlo.

Then, nung nakita niya yung image, sinabi niya na hawig na hawig iyung porma sa facial reconstruction ng mukha ni Blessed Carlo Acutis.”

"MGA SALOT"

Nitong Oktubre lang binihisan si Carlo.

Ang pulang t-shirt ay damit ng four-year-old na si Enrico Miguel Cadawas. Ang jacket ay kay Elise Heart Cadawas na magse-seven years old sa Disyembre. Ang pantalon ay binili sa Siniloan, Laguna.

Continue reading below ↓

Enrico Miguel Cadawas

Matapos mabasbasan sa Paete Church ang imahe ni Carlo na nililok ni Felman, nag-stay ito sa tahanan ng Cadawas family sa Brgy. 8 ng nasabing bayan.

Salaysay ni Antonia, “Nabigyan si Denzell ng permiso sa Italy para ipagawa yung imahe ni Carlo.

Continue reading below ↓

Nakakatuwa nga. Ang pangalan ng ama ni Denzell ay Carlo rin. Kapangalan ko naman ang ina ni Blessed Carlo na si Antonia [Salzano]. Ang ama ni Blessed Carlo ay Andrea ang pangalan.

“Sa English, ang Andrea ay Andrew, na pangalan ng caretaker ni Carlo dito sa Paete na si Andrew Baldemor. Si Andrew ang nag-asikaso ng damit at nagsuot kay Carlo.”

Nakatira si Andrew sa bahay ng Cadawas family.

Dagdag ni Antonia, “Matapos ma-bless si Carlo noong October 10 dito sa Paete Church, nag-viral ang pictures niya. Marami ang natuwa sa kanya.

“Pero marami rin ang bashers... yung mga hindi Katoliko. Kabilang ako sa mga na-bash. May kasama akong tatlo, nagpa-picture kami kay Carlo sa simbahan.

“Ang sabi sa amin, ‘Ayan, apat na gurang, mga salotyan!’ Ha-ha-ha-ha! Sinabi nila! Tawa kami nang tawa! Ha-ha-ha-ha! Tawa kami nang tawa, ay! Ha-ha-ha-ha!”

Sa Paete, si Felman lang ang authorized na maglilok kay Blessed Carlo.

Continue reading below ↓

May nasimulan na nga itong munting Carlo, more or less ay 10 inches ang taas.

Work in progress: little Carlo

May isang pari sa Batanes na matapos makita ang imahe ni Blessed Carlo na gawa ni Felman ay nagsabing magpapagawa ito ng dalawang imaheisang manikin at isang detalyado.

Continue reading below ↓

Nanghinayang nga raw ang pari dahil hindi agad nakilala si Antonia. Sana raw ay nakapagpagawa na rin ito noon para naisabay ang pagbabasbas niya sa beatification.

GROUP PHOTO

Bago ang interbyu namin kay Felman noong Biyernes ng hapon sa kanyang workplace, napag-alaman naming wala siyang litrato na kasama si Blessed Carlo.

Mabuti na lamang at nasa Paete pa si Blessed Carlo, nasa kabilang barangay.

Sama-sama naming sinulsog ang kinaroroonan ni Carlo habang tirik na tirik ang araw, kaya tumagaktak ang pawis ni Felman.

Blessed Carlo and artist Felman Bagalso

Continue reading below ↓

Ipinagtanong ng asawa ni Felman na si Antonia at pinsang buo niyang si Maria Fe Bagalso kung saan naroon ang imahe.

Nagpa-picture si Felman katabi si Carlo. Meron ding group picture with Carlo kung saan naroon si Felman, ang misis niyang si Antonia, ang pinsan niyang si Maria Fe, ang nag-asikaso sa damit ni Carlo na si Andrew, at ang writer ng artikulong ito.

Blessed Carlo Acutis, Jerry Olea, Felman Bagalso

Continue reading below ↓

Later on ay ipinadala sa amin ang litrato ng batang si Enrico Miguel Cadawas kasama ang imahe ni Carlo.

Si Maria Fe ay may-ari ng transient house sa Paete, kung saan tumuloy kami mula noong Huwebes ng gabi hanggang ngayong Linggo ng umaga.

Si Maria Fe ang gumawa ng paraan para makapag-set agad kami ng panayam kay Felman.

Sinamahan kami ni Maria Fe sa pagpunta sa workplace ni Felman, hanggang sa paghahanap ng tahanan ng Cadawas family kung saan ilang araw na namalagi si Carlo.

Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paete, Laguna sculptor Felman Bagalso never thought his Blessed Carlo Acutis work will go viral.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results