A Story of Gratitude: This boy now sees a clearer world, thanks to AJ Perez

by Jojo Gabinete
Oct 29, 2020
Daniel Delos Santos (L) was eight years old when he became the cornea recipient of AJ Perez (R), who died at the age of 18, in a vehicular accident in Moncada, Tarlac, on April 17, 2011.
PHOTO/S: courtesy of Sarah dela Cruz, File

Napanood ni Marivic Perez, ang ina ng namayapang aktor na si AJ Perez, ang paglabas ni John Daniel Delos Santos sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! noong Martes, October 27.

daniel dela cruz, aj perez

Yumao si AJ noong April 17, 2011, sa isang vehicular accident sa Moncada, Tarlac, at idinonate ng kanyang pamilya ang mga cornea ng binata.

Continue reading below ↓

Si Daniel ang isa sa naging recipients.

Matapos ang guesting ni Daniel sa Eat Bulaga!, nakatanggap ang ina niyang si Sarah Delos Santos ng isang text message mula kay Marivic.

Kuwento ni Sarah sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong gabi, nag-text sa akin iyong mother ni AJ. Natutuwa siya na nakita niya si Daniel. Parang kailan lang daw, binata na pala.”

SANHI NG EYE PROBLEMS NI DANIEL

Hinanap ng Cabinet Files si Mrs. Delos Santos para tanungin tungkol sa naging buhay ni Daniel matapos nitong sumailalim sa corneal transplant surgery sa edad na walo noong April 26, 2011.

Sinabi ni Daniel sa "Bawal Judgmental" na nagkaroon ng problema sa cornea ng kanyang kanang mata dahil nasugatan ito bago siya nag-two months old.

Pero may pagtutuwid si Mrs. Delos Santos sa salitang nasugatan, na siyang ginamit ng anak.

Aniya, “May kakambal si Daniel, si John Denzel. Actually, hindi naman nasugatan iyong mata niya. Ang suspect ng doktor was nakalmot ng kuko. Sabi ko, 'Paano makakalmot ng kuko ang babies, naka-mittens?

Continue reading below ↓

“Ang theory namin, baka may bumagsak na alikabok, then kinusot niya. That’s the time na nagasgas iyong cornea ng mata niya.”

Napansin daw agad ni Mrs. Delos Santos ang hindi normal na pagkurap ng mga mata ni Daniel kaya dinala niya sa isang pediatrician ang anak.

“Parang kumukurap-kurap siya, 'tapos nagluluha. Pina-check up ko sa pedia. Ang sabi, sore eyes, kasi namumula ang talukap ng mata niya. Pero iyong pinakaputi ng mata, e, hindi.

“Binigyan ako ng gamot na ointment for sore eyes, pero after a while, napapansin ko, may namumuong puti sa gitna ng mata niya.

Inisip ko na lang na baka ointment iyon. Pero irritable na siya, iyak nang iyak.

“Nang dinala ko siya sa opthalmologist, na-confine siya pero hindi naging successful, dahil hindi umiigi si Daniel. Mas lalong nahirapan iyong anak ko," ang salaysay ni Mrs. Delos Santos.

Sa tulong ng kanyang auntie na nasa abroad, nakakuha sila ng referral hanggang sa mahanap nila ang doktor na siyang tumitingin kay Daniel hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

“Iyong doktor niya, ayaw munang operahan si Daniel dahil baby pa. Gusto niya paglaki na ni Daniel, kapag nakakausap na niya. At saka gusto ng doktor na maghintay ng possibility na lumiit iyong puti sa gitna ng pupil ng kanyang mata.

“Lumiit naman siya, nag-lighten dahil sa mga eyedrop but, still, nandoon pa rin sa gitna ang kulay puti."

Daniel dela Cruz eye

Continue reading below ↓

Mula noong sanggol hanggang walong taon si Daniel, aninag lamang ang nakikita ng kanyang kanang mata. Nahihirapan rin siyang magbasa at sumasakit ang kanyang ulo dahil isang mata lamang niya ang gumagana.

Hanggang sa dumating ang panahong kailangan na ni Daniel sumailalim sa isang operasyon.

“At the age of eight, sinabi ng doktor, kailangan na talagang operahan si Daniel. Iyong cornea niya, papalitan, dahil kapag may matinding bacteria na kumapit, baka mabulag na siya.”

DANIEL's CORNEA DONOR

Seven years old si Daniel nang mailista ang kanyang pangalan sa Eye Bank Foundation of the Philippines noong November 2010.

Pero hindi agad nakahanap ng match para sa kanya, at madalas ay nalalampasan siya.

Paliwanag ni Mrs. Delos Santos, “Sa Eye Bank, maraming nagdo-donate. Kaya lang iyong qualification ng cornea ni Daniel, dapat ang may-ari, kaedad niya or hanggang teenager.

“Hindi siya puwede sa adult cornea kasi baka hindi maging compatible, i-reject din. After the operation mamumuti uli iyon, at iyong cornea ng matanda is mahal kaya hindi puwede sa bata."

Continue reading below ↓

Holy Week noon nang tinawagan siya ng doktor at pinapunta sa clinic.

Detalyadong ikinuwento ni Mrs. Delos Santos ang kanilang pag-uusap ng doktor, siyam na taon na ang nakaraan.

Aniya, “Kinausap ako ng doktor. Ang sabi niya, ‘Prepared na ba kayo? Kasi meron nang available na cornea at si Daniel na iyong next in line.

"'Sa tagal ng paghihintay natin, iyong mga nag-donate na hindi qualified kay Daniel, napupunta sa mga sumusunod sa kanya. Nalalaktawan siya kung kanino mapupunta ang cornea dahil may day na kailangan ma-i-transfer kaagad para iyong cells niya is buo, iyong buhay pa.'

“Sinabi ko, 'Sige Doc, gagawan na lang namin ng paraan. Humingi na ako ng tulong sa mga kamag-anak, lahat tulung-tulong na dahil sayang iyong tsansa.'

“Medyo pricey iyong operation. Hindi pa kami ganoon ka-ready at that time. Pinaghahanda kami ng more or less PHP300,000."

Nalaman ba nilang si AJ Perez ang cornea donor?

Continue reading below ↓

Sagot ni Mrs. Delos Santos, “Noong una, wala akong idea. Sabi ng doktor, ‘Normally ang donor at recipient, hindi nalalaman kung kanino nanggagaling dahil may confidentiality clause.'

"'Meron kasing donor na kapag nalaman na iyong anak mo ang recipient, parang aangkinin iyong anak mo. Kulang na lang, kukunin sa iyo.’

“Sabi ko, 'Ay, ayoko naman po ng ganoon.’

“Ang sabi ng doktor, 'So kung confidential iyan, okey lang, pero in this case hindi puwedeng hindi niyo malaman.’"

Nang tanungin ni Mrs. Delos Santos kung bakit, sinabi ng doktor na ang mapupunta kay Daniel ay cornea ng isang celebrity.

“E, si AJ lang naman ang namatay na celebrity noon. Nang sabihin ng doktor na si AJ ang donor, naiyak ako sa harap niya dahil sa tuwa.”

ANG ORIGINAL RECIPIENT NG CORNEA NI AJ

Hindi si Daniel ang original recipient ng cornea ni AJ.

Nang bawian ng buhay si AJ, nagplano ang mga magulang niyang ipagkaloob ang kanyang cornea kay Fatima Soriano, ang 18-year-old visionary, inspirational speaker, at singer na host ng isang radio program sa DZMM.

Continue reading below ↓

Noong 2011, kasing-edad din ni AJ si Fatima, pero hindi natuloy ang balak na isalin sa kanya ang cornea ng pumanaw na young actor.

“Supposedly, ibibigay ng family ni AJ ang cornea niya kay Fatima Soriano," pagpapatuloy na kuwento ni Mrs. Delos Santos. "Nung time na iyon, hindi kami umasa, pero noong nanonood si Daniel ng TV, excited siya na maoperahan.

“Noong nanonood si Daniel ng TV, nang sabihin na idinonate ng pamilya ni AJ kay Fatima ang cornea, sabi niya, 'Ay na-donate na pala.’

“Sabi niya, ‘Mommy, na-donate na pala ang cornea ni Kuya AJ. Sana sa akin napunta iyong cornea niya.’"

Nang tanungin niya ang anak kung bakit, ang naging sagot ni Daniel ay simpleng, "Kasi pogi siya."

Sabi pa ni Mrs. Delos Santos, “Medyo na-depress si Daniel nang malaman niya na ibibigay kay Fatima ang cornea.

“Sabi ko sa kanya, mukhang malalampasan tayo ng summer. Baka next year ka na lang maoperahan.

Continue reading below ↓

“'Tapos, sinabi ni Fatima na sayang lang kung sa kanya ibibigay ang cornea ni AJ dahil sa retina ang problema ng mata niya.”

Sa hindi inaasahang pagkakataon, personal na nagtagpo sina Fatima at Daniel sa isang healing mass, ilang araw bago maganap ang operasyon kay Daniel.

Daniel dela Cruz, Fatima Soriano

Continue reading below ↓

“Na-meet namin si Fatima sa healing mass noon sa San Juan," paglalahad ng ina ni Daniel. "Kasama ko noon si Daniel, at nagkataon na nandoon din si Fr. Oscar Orbos. Sabi niya may recipient na ng cornea ni AJ.

“Hindi muna namin sinabi na si Daniel ang recipient dahil confidential pa. E, nandoon din si Fatima at ang nanay niya.

“Sa kagustuhan namin na malapitan si Fr. Fernando Suarez, the healing priest, kasi gusto kong ipagdasal niya si Daniel kung anuman ang mangyayari sa operation, nagpakilala na kami na si Daniel ang recipient. Kaya nag-pray over sa kanya si Fatima at si Fr. Suarez.”

SUCCESSFUL SURGERY

Naniniwala si Mrs. Delos Santos na itinakda ng Diyos na maipagkaloob sa kanyang anak ang cornea ni AJ.

Dahil, habang inihahatid ang young actor sa huling hantungan nito sa Manila Memorial Park, Paranaque City, noong April 26, 2011, nagaganap naman ang corneal transplant surgery kay Daniel sa Manila Doctor’s Hospital.

Continue reading below ↓

Nang kumustahin namin ang kalagayan ni Daniel pagkatapos ng operasyon, ikinuwento ni Mrs. Delos Santos ang isang kakaibang karanasan nilang nangyari sa ospital.

“Noong nasa ospital kami, while naka-confine siya, may nagla-lock ng pintuan sa kuwarto ni Daniel.

“Nagigising kami, kumakatok ang mga nurse. Tinanong ko iyong asawa ko, 'Ni-lock mo ba iyong pinto?' Sabi niya, ‘Hindi. Bakit ko ila-lock?’

“Bigla kaming kinilabutan. Baka naman, dinadalaw siya ni AJ at sinasabi nito na huwag ninyong istorbohin si Daniel, maya’t-maya, ginigising niyo. Kasi pinapatakan siya nang pinapatakan sa mata ng gamot.”

Daniel dela Cruz before and after

Continue reading below ↓

Ilang buwan matapos ang operasyon, nagkaroon ng pagkakataon si Daniel na makilala nang personal ang mga magulang ni AJ.

Dito rin nakilala ni Daniel si Lawrence Villanueva, ang isa pang tumanggap ng cornea ng sumakabilang-buhay na young actor.

Naganap ang pagtatagpo nila nang ilunsad si AJ bilang poster boy ng Eye Bank Foundation of the Philippines noong August 2011.

AJ Perez eye bank

Continue reading below ↓

“Inimbitahan kami sa launch at dito namin na-meet si Lawrence at ang pamilya ni AJ. Ang talagang umiyak, ang tita ni AJ na very close sa aktor. Niyakap niya ang anak ko.

“Nagkuwentuhan kami ng parents niya. Natutuwa ang parents ni AJ dahil nakita nila iyong cornea ng kanilang anak—nandoon na kina Daniel at Lawrence.”

Bilang pasasalamat, ang pagdalaw sa puntod ni AJ sa Manila Memorial Park ang isa sa mga unang ginawa ni Daniel at ng kanyang pamilya nang gumaling ang operasyon sa mata niya.Daniel dela Cruz family

Continue reading below ↓

“Sobrang pasasalamat kaya dumalaw kami. Talagang pinuntahan namin si AJ. Nag-offer kami ng flowers. May patay rin kami sa Manila Memorial Park kaya ngayon, dumaraan pa rin kami sa puntod niya.”

Ngayon ay 17 years old na si Daniel at isang Grade 12 student. Dahil likas na mahiyain, muntik nang hindi matuloy ang guesting ni Daniel sa Eat Bulaga! dahil wala raw siyang talent na ipakikita.

Pumayag lamang siyang lumabas sa "Bawal Judgmental" nang sabihan siya ng talent coordinator na hindi niya kailangang kumanta o sumayaw.

Sa kabila ng matagumpay na corneal transplant surgery, gumagamit pa rin ng salamin sa mata si Daniel para luminaw ang kanyang paningin.

“Malabo pa rin ang mata niya," sabi ng kanyang ina. "Kapag tinakpan iyong good eye niya, malikot iyong mata niya. Parang hinahanap niya iyong vision niya.

"Although may nakikita na siya compared noong hindi pa siya naooperahan. Ang grade ng salamin ng kanyang operated eye ay 550. Iyong kaliwang mata is 250,” ani Mrs. Delos Santos na taos-puso pa rin ang pasasalamat kay AJ at sa mga magulang nito.

Continue reading below ↓

Para sa mga gustong maging eye donor, i-click lamang ito.

RECOMMENDED STORIES

Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Delos Santos (L) was eight years old when he became the cornea recipient of AJ Perez (R), who died at the age of 18, in a vehicular accident in Moncada, Tarlac, on April 17, 2011.
PHOTO/S: courtesy of Sarah dela Cruz, File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results