The incredible baha story behind shirtless photos of hunk Aaron Concepcion

by Jerry Olea
Nov 13, 2020
Naging viral kahapon, November 12, ang mga larawang ito ni Aaron Concepcion, isang aktor at naging "Bidaman" contestant sa It's Showtime. Pero may mas malalim na kuwento sa likod ng mga larawang ito ng hunk.
PHOTO/S: courtesy of Aaron Concepcion

Viral sa social media ang pictures ng isang makisig na lalaking hubad-baro habang nasa gitna ng baha nitong Huwebes, Nobyembre 12, 2020.

Ang topless hunk ay ang 22 anyos na si Aaron Concepcion, na naging Kuya Escort last year sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Two weeks ang television stint niyang nangyari during the time na napilayan si Ion Perez.

Sumali rin siya sa "Bidaman" segment ng It's Showtime.

Siya rin ay chairman ng Sangguniang Kabataan sa Concepcion, Tarlac.


Continue reading below ↓

Nakapag-guest din siya sa episode ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman na "Kailan Naging Ama Ang Isang Babae: The Roxanne D’Salles Epic Story."

Pinagbidahan nina Juancho Trivino at Rodjun Cruz ang nasabing two-part Father’s Day at LGBTQ Pride Month presentation ng Magpakailanman, na ipinalabas noong Hunyo 2019.

THE STORY BEHIND HIS VIRAL PHOTOS

Ano ang ginagawa ni Aaron sa Cainta, Rizal habang kasagsagan ng bagyong Ulysses?

“May bahay kami sa Parkplace Village sa Cainta. Doon ako umuuwi pag may trabaho ako sa showbiz,” tugon ng hunk actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portral) sa cell phone ilang minuto bago maghating-gabi ng Huwebes, November 12.

“Pumunta ako sa Cainta three days ago, noong Tuesday. Nag-shoot kasi ako noong Wednesday sa comedy movie na Call Me Papi kasama sina Enzo Pineda at Royce Cabrera.”

Hindi makatulog si Aaron noong Nobyembre 11, Miyerkules ng gabi, dahil sa lakas ng hangin at ulan ng bagyong Ulysses.

Continue reading below ↓

“Nagbabagsakan kasi ang mga puno. Nababagsakan ang mga sasakyan,” matamang sambit ni Aaron.

Natakot si Aaron na mabagsakan ng puno ang kotse niya. Bandang 11:00 p.m., nagpasya siyang ilipat ang kanyang kotse sa mas mataas na lugar—sa basketball court ng Parkplace Village.

“Hanggang tuhod na ang baha noon. May kasabay akong isang pamilya, ipa-park din ang sasakyan nila sa basketball court,” lahad ni Aaron.

“Iyong lalaki na nagmamaneho, hindi marunong mag-drive. Bumangga sa trak iyong sasakyan.

“Pagdating namin sa basketball court, ayaw kaming pagbuksan.

"E, pitong pamilya na ang nandoon. Wala raw silang mauwian. Nasa labas lang sila, sa mga gilid-gilid.

“Naghanap ako ng opisyal para tanungin kung puwedeng buksan iyong court.”

Bandang 1:00 a.m., brownout na habang hinahanap at ipinagtatanong ni Aaron ang opisyal.

“Kung saan-saan ako nakarating. Pinasa-pasa ako kung kani-kanino, kung sino ba ang may hawak ng susi.

“Mag-isa lang ako na naghanap. Muntik na akong malunod dahil hanggang leeg na ang baha.”

Continue reading below ↓


Bandang 3:00 a.m., awa ng Diyos ay natunton ni Aaron ang bahay ng opisyal ng basketball court, sa may dulo ng Brookside Village.

Kaso, wala sa opisyal ang susi—nasa caretaker ng court. Ayaw kunin ng caretaker ang susi na nasa office ng Parkplace Village.

Natatakot ang caretaker dahil lubos nang humahagupit ang bagyong Ulysses nang mga sandaling iyon.

Continue reading below ↓

Sinabihan ni Aaron ang opisyal ng basketball court na sisirain na lang niya ang kandado. Nangako siyang babayaran iyon.

Ipinaliwanag ni Aaron na pitong pamilya ang stranded sa labas ng basketball court.

“Sinabi ko na meron pang buntis, kawawa naman. Mabuti, pumayag ang opisyal,” pakli ni Aaron.

Pagbalik ni Aaron sa basketball court, nag-iiyakan ang mga bata sa takot at gutom. Kahit pagod at gutom din siya, labis na nabagbag ang kanyang kalooban.

“Kinana ko na ang kandado para makapasok sa gym ang mga tao,” lahad ni Aaron.

“Naintindihan iyon ng caretaker na si Paeng, pati si Leni na secretary ng Parkplace.

“Bandang 6:00 a.m., umuwi ako sa bahay namin. Ang lakas ng alon ng baha, kasi binuksan na raw iyong dam.

“Mga dalawang kilometro ang layo ng court sa bahay namin. Isang oras akong naglakad. Ako lang mag-isa.

“Nagpaluto ako ng ate ko ng...tuna, saka sardinas. Noong babalik ako sa court, pito sana kami. Sasabay sana sila sa akin para tingnan iyong mga kotse nilang naka-park.

Continue reading below ↓

“Umatras sila. Malakas kasi ang agos ng baha. Matatanda na sila. Hindi nila kinaya.

“Kaya mag-isa na naman akong naglakad sa baha para dalhan ng pagkain iyong mga stranded sa court. Inabot na naman ako ng isang oras pagbalik.”

Pagdating sa court, nakita ni Aaron ang limang magkakapatid na bata, giniginaw. Kaya kahit pagod na pagod siya, nagpasya siyang bumalik na rin agad sa bahay para kumuha ng damit at kumot.

“Sinamahan ako ng panganay sa magkakapatid. Bandang 11:00 a.m. na iyon. May baha pa rin, pero hindi na maalon,” pagpapatuloy ni Aaron.

“Gusto ring tingnan ng panganay na anak iyong aso nila na naiwan sa bahay. Baka kasi nalunod na ito.

“Nagluto uli ng pagkain ang ate ko para i-deliver sa mga stranded. Century tuna, hotdog, itlog, kanin.

“Sinamahan ako ng bayaw ko, si Yeng Dio. Meron kasing isang pamilya na takot bumalik sa bahay nila dahil baka makuryente sila.

Continue reading below ↓

“Electrician si Kuya Yeng, kaya sinamahan niya ang pamilyang iyon.”

TOPLESS PHOTOS

Anong oras nakunan iyong viral photos na topless siya at nakasakay sa batya?

“Mga alas dose ng tanghali,” mabilis na tugon ni Aaron.

“May nakita kasi akong naglalaru-laro sa batya. Sabi ko, ‘Pasakay!’

“Ang sakit na kasi ng tuhod ko sa kalalakad. 'Tapos, wala akong tsinelas, masakit sa paa. Nagkasugat na nga ako.

“Nakita ako ng isang kapitbahay nilang pedicab driver. Kukunan daw niya ako ng litrato para ilagay sa Facebook.”

Familiar kay Aaron ang nasabing kapitbahay, pero hindi niya ma-recall ang pangalan nito.


Continue reading below ↓

Bakit naghubad siya ng T-shirt?

“Nainitan ako!” sambit ni Aaron.

“Nanlalagkit ang pakiramdam ko, kasi basambasa iyong T-shirt ko dahil sa baha. Kaya hinubad ko.

"Babad kasi ako sa baha. Nakakasalubong ko, kung anu-anong basura. Andaming diaper saka tae.

“Ang kati sa pakiramdam. Kaya noong nagkaroon ng chance, naligo na ako.”

Buti, hindi siya nagka-leptospirosis, na posibleng makuha sa baha na contaminated ng urine ng infected animals.

“Oo nga. May nagsabi sa akin, namatay sa leptospirosis ang isang lalaking lumusong sa baha. May sugat daw kasi sa paa iyong lalaki,” matamang saad ni Aaron.

“Salamat sa Diyos, hindi Niya ako pinabayaan.”

Download for free: the "Big John" e-book written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy.

Free e-book!
This is the story of how billionaire John Gokongwei Jr. learned to dream big, work hard, and never give up.
By signing up, you agree to our Terms of Service and Privacy Policy.
Check your inbox!
Please check your inbox for the mail we've sent from Summit Media. It may take a few minutes. Check your spam/junk mail or promotions folders as well, in case you don't see it. You may then download the free "Big John" picture book. Please do so immediately as it's only available till November 15. Enjoy!
Sharing is caring!
Copy Link

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging viral kahapon, November 12, ang mga larawang ito ni Aaron Concepcion, isang aktor at naging "Bidaman" contestant sa It's Showtime. Pero may mas malalim na kuwento sa likod ng mga larawang ito ng hunk.
PHOTO/S: courtesy of Aaron Concepcion
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results