NAKAKABILIB! Delivery rider na, pest exterminator at sailor pa... kahit isa lang ang paa!
Nov 30, 2020

Dahil sa maling desisyon ng kanyang mga magulang, naputulan ng isang paa si Joy Calimlim Habana.

Ngunit sa kabila nito, namuhay nang normal, nagkapamilya, nagkaapat na anak, at kumakayod ng dalawang trabaho ang 49-year-old na PWD (Person With Disability) delivery app rider at part-time pest control worker.

At heto pa: kapag hindi busy sa kanyang mga trabaho, naisisingit pa ni Joy ang paglalaro ng sports na sailing.

Sa husay ni Joy sa sports na ito, inimbita pa siya na maging bahagi ng Philippine sailing team.

Naging viral kamakailan sa social media si Joy nang paparahin siya ng dating senador na si JV Ejercito at magpa-picture kasama ito.

Sa panayam ng Summit Media video producer na si John Henri Mariano sa kanya, ikinuwento ni Joy ang pagkikita nila ng dating senador habang nagbibisikleta ito.

"Sabi niya, 'Sir! Sir! Papa-picture ako.' 'Tapos tinanong niya ang pangalan ko.

"Sabi niya, 'Ipo-post ko 'to dahil humahanga ako sa 'yo,'" patuloy ni Joy.

Maraming positibong reaksyon sa mula sa netizens ang nakuha ni Joy dahil sa post ni Ejercito.

Kahanga-hanga naman kasi talaga ang isang katulad ni Joy na kahit may kakulangan sa katawan ay patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

Panoorin ang paglalahad ni Joy at ma-inspire sa video na ito.

HOT STORIES

#pwd #grabrider #summitoriginals #pepspecials

Video Producer / Editor: John Henri Mariano
Music: "A Moment To Keep"

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results