Police officer who received cash gift from Senator Manny Pacquiao donates relief goods

by Arniel C. Serato
Dec 2, 2020
PCpl Carlo Romero Manny Pacquiao selfie
Police Corporal Carlo Romero (in police uniform) thanks Manny Pacquiao for giving him cash aid during the senator's visit to Cavite. The police officer used the money to buy grocery items to be donated to the less fortunate (right).
PHOTO/S: Courtesy: Carlo Romero on Facebook

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang pulis sa Cavite na nagbahagi ng open letter para kay Senator Manny Pacquiao.

Inabutan daw kasi siya ng pera ng mambabatas kahit ang nais lamang niya ay magpa-selfie sa People’s Champ nang magkita sila sa Dasmariñas, Cavite, noong November 27.

Carlo Romero Manny Pacquiao

Continue reading below ↓

Namudmod ng tig-iisang libong piso si Pacquiao sa mga residente ng Dasmariñas na labis naapektuhan ng pandemya at mga kalamidad na dumaluyong sa bansa.

Isa si Police Corporal Carlo Romero sa namahala sa seguridad ng senador.

Nang patapos na ang event, lumapit si Romero kay Pacquiao upang magpa-selfie.

Pagkatapos nito, inabutan ng senador ang police officer ng pera na natira sa mga ibinahagi niya sa mga tao.

PCpl Carlo Romero selfie Manny Pacquiao

Continue reading below ↓

Hindi inakala ni Romero na malaki-laking halaga ang inabot sa kanya ni Pacquiao.

Ngunit sa halip na gastusin para sa kanyang saili, ginamit niya ito upang ipambili ng mga grocery na idu-donate sa mas labis na nangangailangan.

PCpl relief goods

THE OPEN LETTER

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Romero ang kanyang pasasalamat sa mambabatas sa pagiging mapagbigay nito.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Romero sa kanyang open letter kay Pacquiao: "Sir Manny Pacquiao, ako nga po pala yung Pulis na nagpakuha ng picture sa inyo kahapon sa Dasmarinas Cavite. (November 27, 2020).

“Nagulat po ako dahil pagkatapos natin magpakuha ng picture ay inabot nyo sa akin ang natirang pera sa mga ipinamamahagi ninyo at nung bilangin ko ito ay mas lalo akong nagulat.

“Ang nais ko lang po talaga ay magpakuha ng picture kasama kayo, hindi ko po inaasahan na ibibigay nyo ang ganun halaga sa akin.”

Dahil may maayos naman siyang trabaho, naisip ni Romero na mamili ng groceries upang i-repack bilang relief goods.

“Kaya eto po, bilang pasasalamat po sa inyo ay ibinili na rin po namin ang halagang inyong ibinigay ng mga bigas, de lata, kape at noodles upang maipamahagi po sa mga mahihirap nating kababayan, alam ko po mas marami pa po ang lubos na nangangailangan nito kesa po sa amin.

Continue reading below ↓

“Maraming Salamat po sa inyo. Sana po mabasa nyo itong post ko at sana rin po ma-meet ko pa ulit kayo.

“God Bless sir! Salute"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Police Corporal Carlo Romero (in police uniform) thanks Manny Pacquiao for giving him cash aid during the senator's visit to Cavite. The police officer used the money to buy grocery items to be donated to the less fortunate (right).
PHOTO/S: Courtesy: Carlo Romero on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results