Mystery philantrophist na si "Mr. Solve," lumantad na

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2021
Meet Patrocenio Calvez Chiyuto Jr. (left), ang mystery philantrophist na si Mr. Solve. Ang Rated Korina host na si Korina Sanchez (clapping) ang nag-abot sa nanay (wearing face shield) ni Odessa Latap (in hospital gown) ng perang pambayad sa hospital bills nito.
PHOTO/S: Screengrab from Rated Korina

Dahil kay Korina Sanchez at sa programa nitong Rated Korina sa TV5, nagkaroon ng mukha ang mystery philantrophist na namahagi ng tulong sa mga nangangailangan sa kasagsagan ng coronavirus pandemic noong 2020.

Kumalat ang video ng mystery man habang namimigay ng pera sa mga mahihirap, pero walang nakakakilala sa kanya dahil hindi niya sinabi ang kanyang pangalan.

Maraming problema ang nalutas dahil sa tulong ng misteryosong lalake kaya binansagan siyang "Mr. Solve" ng mga taong nakinabang sa kabutihan niya.

Sa December 19, 2020 episode ng Rated Korina, napilitan si Mr. Solve na lumantad sa harap ng kamera.

Nalaman niya kasing may mga impostor na nagpapanggap bilang siya at nagpapakilala na sila ang lalaking namumudmod ng tulong.

Patrocenio Calvez Chiyuto Jr. o Don Chiyuto ang tunay na pangalan ni Mr. Solve.

Tinutulungan niya ang mga namomroblema sa ipambabayad sa ospital, nagbibigay ng trabaho sa mga walang pagkukunan ng pang-araw-araw na pagkain, at tumutulong magkaroon ng tahanan ang mga taong walang bahay.

"Binigyan ko ng kahulugan yung tulong. Hangga’t kaya ko, kakayanin kong tumulong sa mga tao nang walang anumang kapalit.

"Gawin natin na araw-araw puwedeng Pasko," sabi ni Chiyuto sa panayam sa kanya ng Rated Korina.

Iginiit ni Chiyuto na wala sa plano niya ang pumasok sa pulitika. Kusang-loob ang pagtulong niya dahil ito raw ang kanyang nakasanayan mula noong bata pa siya.

"Ginamit lang ako ng Diyos para ipahatid ang tulong Niya sa mga taong nararapat tulungan. Hindi napapagod ang Diyos kaya wala rin akong karapatan mapagod.

"Ang palagi ko lang sinasabi, i-extend nila yung tulong sa iba. Yun talaga ang requirement ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Once na hindi mo pinasa ang ayuda ko, wala ka nang kasunod na ayuda,” ani Chiyuto.

Ang kuwento ni Chiyuto, lumaki siyang simple lang ang pamumuhay hanggang matuklasan niyang mula sa mayamang pamilya ang kanyang ama.

"Pinalaki ako nang sakto lang. Ang nanay ko nag-abroad.

"Ang tatay ko walang trabaho. Hindi naman ako nagtataka bakit wala siyang trabaho.

"Yun pala apo siya ng mayaman. Hindi na niya kailangan magtrabaho, pero pinalaki kami ng tatay ko nang hindi marangya.

"Kung puwede kami maghugas ng tricycle, maghuhugas kami. Wala akong alam sa kayamanan, wala akong alam sa halaga ng piso."

Ipinakita ni Korina sa Rated Korina ang tatlo sa maraming tao na natulungan ni Chiyuto.

Kabilang dito ang pamilya Adarayan ng Marikina City na nawalan ng tahanan dahil sinalanta ni Typhoon Ulysses.

adarayan residence devastated by typhoon ulysses

Tinulungan din ni Chiyuto ang Alcantara couple na parehong bulag at may isang anak na tumutulong sa kanila, pero naaksidente sa motorsiklo kaya nangangailangan ng pera para sa operasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Alcantara couple

At tinulungan din niyang mabayaran ang hospital bills ni Odessa Latap, ang dalagang nagkaroon ng leptospirosis at sakit sa baga.

Personal na nagtungo si Korina para maipaabot ang ayuda mula kay Chiyuto.

Nagtungo si Korina sa ospital para bayaran ang lahat ng gastos ni Odessa.

Binisita niya ang Alcantara couple para ibigay ang pera na kailangan sa operasyon ng anak ng mag-asawa.

Nagsadya rin ang hots-broadcaster sa tahanan ng Adarayan family dahil ipinagkaloob niya ang tulong mula kay Mr. Solve na gagamitin sa pagpapatayo ng bahay na winasak ni Typhoon Ulysses.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Patrocenio Calvez Chiyuto Jr. (left), ang mystery philantrophist na si Mr. Solve. Ang Rated Korina host na si Korina Sanchez (clapping) ang nag-abot sa nanay (wearing face shield) ni Odessa Latap (in hospital gown) ng perang pambayad sa hospital bills nito.
PHOTO/S: Screengrab from Rated Korina
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results