Viral “unli balot” post gets silly reactions from netizens: “Payag ka… pero last kain mo na?”

by Jet Hitosis
Mar 20, 2021
A karinderya in Barangay Sambag 2 in Cebu City offers "unli balot" promo for P100.
PHOTO/S: Shabey Villarante on Facebook

Ilang balut ang kaya mong kainin sa halagang PHP100?

Ito ang challenge na kinakaharap ng mga bumibili ng itinuturing na pambansang street food ng Pilipinas sa isang munting karinderya sa Barangay Sambag 2 sa Cebu City.

Nag-aalok kasi ang karinderya ng one-to-sawa o unlimited balut sa halagang PHP100.

Ang kakaibang marketing strategy na ito para makabenta ng maraming balut ay nag-viral sa Facebook kamakailan.

Ito ay makaraang i-post ng netizen na si Shabey Villarante ang mga litrato niya, kasama ang ilang kaibigan, sa harap ng karinderyang may “Unli Balot” offer.

Sa caption ng post ni Shabey nitong March 8, hinamon niya ang kanyang Facebook friends na kumasa sa kakaibang “unli” promo ng karinderya.

Sabi ni Shabey: “UNLI BALOT FOR ONLY 100PESOS!!! ARAT NAAA! [rolling in the floor laughing]”

At press time, mayroon nang halos 5,000 reactions, 5,100 comments, at 22,200 shares ang post na ito ni Shabey.

NETIZENS REACT, TAG FRIENDS

Sa comments section, nagkani-kanya ng tag ang netizens sa mga kamag-anak at kaibigan nilang mahilig sa balut.

Continue reading below ↓

Halos iisa lang ang tanong ng netizens sa mga kakilalang tinag nila sa post: Kakayanin ba nila ang PHP100 unlimited balut challenge?

Ilan sa mga netizens na tinag ang napabilib at natawa sa promo ng karinderya.

Ang mga nagkomento namang taga-Metro Manila, nanghinayang na hindi sila maaaring kumasa sa challenge dahil kakailanganin pa raw nilang mamasahe papuntang Cebu.

Mayroon namang nagyabang na sa hilig daw nilang kumain ng balut, tiyak na malulugi sa kanila ang karinderya dahil sobra-sobra sa PHP100 ang halaga ng kanilang makakain.

“UNLI BALOT NOW, STROKE LATER!”

Pero mas agaw-eksena ang mga kuwelang komento sa post.

Ang mga netizens kasi, pabirong nagbibigay-babala sa mga magtatangkang sulitin ang kanilang PHP100 kapalit ng kanilang kalusugan—at buhay!

Biro ng netizens, “stroke” daw ang aabutin ng mga “pinilit makasulit" sa promo.

FB comment: netizens joke on having stroke after unli balot

Continue reading below ↓

Ang iba naman, pabirong nag-warning na may kasasapitan daw ang mga kakasa sa “unli balot” challenge.

Tanong ng isang netizen: “payag ka unli? pero last kain mona [peace sign, crying with tears emojis].”

Ang isa pa, sinabing “isang beses” lang mapapakinabangan ang “unli balot” promo: “Pag uwi mo tamang tulog ka d kana gigising.”

Mapapa-“Goodbye world” ka raw kasi talaga kung itotodo o maramihan ang gagawing pagkain ng balut, sabi ng isa pang netizen.

FB comment: netizens pokes fun over the unli balot post

Continue reading below ↓

Samantala, may pagka-morbid ang dating ng pagpapakuwela ng iba pang nagkomento sa nabanggit na viral post.

Anila, “unli-rest” daw ang kasunod ng pagsasamantala sa “unli balot."

Gamit pa rin ang konseptong delikado raw sa kalusugan ang balut, isang netizen ang pabirong nagpaabot ng pakikiramay sa “makakadame” ng balut.

FB comment: netizens pokes fun over the unli balot post

Pero totoo nga bang may masamang dulot sa kalusugan ang pagkain ng balut, gaya ng babala ng mga netizens na nag-react sa viral post?

Continue reading below ↓

BALUT: NUTRITIONAL FACTS

Ang balut ay pinakuluang fertilized duck egg na paboritong delicacy ng mga Pilipino at iba pang Southeast Asian.

Pinaniniwalaang sa China nagsimula ang paggawa ng balut libu-libong taon na ang nakalipas.

Sa panig ng mga Pilipino, sari-sari ang mga paniniwalang iniuugnay natin sa pagkain ng balut.

“Some in the Philippines believe that the more developed a fetus you're able to eat, the more manly you must be,” saad sa special feature ng 156-year-old Californian newspaper na San Francisco Chronicle na inilathala noong November 27, 2018.

Kinamulatan na raw sa kulturang Pilipino na ituring bilang “aphrodisiac,” o pampagana sa pakikipagtalik, ang balut—ang dahilan kaya tinatawag itong “pampalakas ng tuhod.”

Bukod dito, “many pregnant women eat balut eggs believing that they encourage a healthy pregnancy,” saad sa artikulo.

Ito ay dahil ang isang piraso ng balut ay siksik sa protina at mga bitaminang beneficial sa kalusugan ng kakain nito.

Continue reading below ↓

“Balut eggs are an inexpensive and easily obtained source of protein throughout Southeast Asia,” ayon pa rin sa artikulo ng San Francisco Chronicle.

“They're packed with vitamin C and beta carotene, both of which are powerful antioxidants that help clean free radicals from your bloodstream and support your immune system.

“In addition, they contain niacin, riboflavin and thiamine, which help you metabolize energy.”

Sa bawat serving, ang balut ay may taglay na “188 calories with only 14 grams of protein and loads of calcium, iron and phosphorus.”

EAT IN MODERATION

Bagamat totoong masustansiya, ipinahihiwatig ng feature na mahalagang maghinay-hinay sa pagkain ng balut dahil masyadong mataas ang calorie content nito.

Payo naman ni Dr. Perla Esguerra, kalihim ng Nutritionist-Dietitians' Association of the Philippines, kung mahilig talagang kumain ng balut, dapat na limitahan lang ang pagkonsumo nito sa isang piraso ng balut kada araw.

Sa panayam ng DZMM TeleRadyo kay Esguerra noong January 2018, ipinaliwanag niyang ang mataas na protina at uric acid ng balut ay maaaring maging sanhi ng rayuma o pamamaga ng kasu-kasuan at buto.

Continue reading below ↓

Sa parehong panayam, pinabulaanan ni Esguerra ang paniniwalang delikado sa kalusugan ang labis na pagkain ng egg yolk—sa balut man o sa itlog ng manok—dahil mataas ang cholesterol level nito.

“Kung ano mang dami ng cholesterol sa [egg] yolk na iyon ay hindi naman naa-absorb ng katawan mo iyon, so hindi dapat matakot kumain ng yolk, lalo na kung in moderation,” paliwanag pa ni Esguerra.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A karinderya in Barangay Sambag 2 in Cebu City offers "unli balot" promo for P100.
PHOTO/S: Shabey Villarante on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results