Cyclist pedals from Cagayan to GenSan to raise funds for indigenous people's COVID-19 vaccine

by Jet Hitosis
Mar 30, 2021
Reynaldo Tarubal, COVID-19 vaccines for indigenous people
Long-distance cyclist-environmentalist Reynaldo "Igman" Tarubal pedals from his hometown in Baggao, Cagayan to General Santos City in South Cotabato for 23 days, crossing a total of over 3,000 kilometer-distance, to raise awareness on his advocacies for the indigenous communities of Sierra Madre and for the environment.
PHOTO/S: Binggot Adventures PH on Facebook

Tatlong libong kilometro sa loob ng 23 araw.

Ganito kalayo at katagal nilibot ng isang environmentalist ang Pilipinas upang isulong ang paglalaan ng COVID-19 vaccine para sa mga katutubo ng Sierra Madre.

Para sa adbokasiyang ito ni Reynaldo “Igman” Tarubal, bumiyahe siya mula sa kanyang bayan sa Baggao, Cagayan sa Northern Luzon hanggang sa General Santos City, South Cotabato sa Mindanao—sakay sa kanyang bisikleta.

“Bike the Pandemic Philippines” ang tawag ni Igman, isang 49-year-old former overseas Filipino worker (OFW), sa kanyang “self-funded” project.

Hangad daw niyang makatulong sa pagkalap ng pondo para maibili ng bakuna kontra COVID-19 ang indigenous communities sa Northern Luzon.

“WALANG PINIPILI ANG CORONAVIRUS”

“Makabili sana po ng vaccine para sa indigenous people sa Sierra Madre, partikular sa Cagayan Valley, sa Isabela,” sinabi ni Igman sa panayam sa kanya ng bikers’ group na Binggot Adventures PH.

Paliwanag niya: “Malakas po ang resistensiya nila [mga katutubo ng Sierra Madre], pero wala naman pong pinipiling kultura [lahi] ang coronavirus, kaya naisipan ko pong gawin ito.

Continue reading below ↓

“Sana po ay matulungan sa pagbili ng vaccine ang mga indigenous people po. Hindi naman yata kasama sa priority ng government na ma-vaccine sila.”

Ang special feature na ito ng bikers’ group ay in-upload sa YouTube nitong March 17, o isang araw matapos makumpleto ni Igman ang kanyang Philippine loop journey nitong March 16.

THE LONG-DISTANCE CYCLING JOURNEY

February 22 nang nagsimulang pumedal si Igman mula sa kanyang bayan sa Baggao, Cagayan.

Kuwento niya, “Nagsimula po ako sa amin sa Baggao, Cagayan. Then jump off po ako sa Aparri, Cagayan, 'tapos isang day, hanggang Pagudpud po.”

Ang Pagudpud ay isang munisipalidad sa Ilocos Norte.

Batay sa infographic na ibinahagi ni Igman sa kanyang Facebook account nitong March 5, sampung araw siyang nagpedal papuntang Bicol Region.

Mula sa Baggao, nag-stopover siya para magpahinga sa Aparri, Cagayan, sa mga bayan ng Bangui at Laoag sa Ilocos Norte, sa La Union, sa Tarlac, sa Pampanga, hanggang makarating siya sa Metro Manila.

Continue reading below ↓

Environmentalist cyclist Reynaldo Igman in Manila

Laguna ang next stop ni Igman, diretsong Quezon, papuntang Naga City sa Camarines Sur sa Bicol Region.

Ikinuwento ni Igman sa Binggot Adventures PH na tumigil din siya sa Tacloban City, Leyte matapos na mabutas ang gulong ng kanyang bisikleta.

Sa bandang Mindanao, napatiran naman raw siya ng kadena, aniya.

Continue reading below ↓

Reynaldo

NEVER LOSE FOCUS

Sa kabila ng maliliit na insidenteng naranasan, nagtuluy-tuloy lang daw sa pagpedal si Igman.

Nagsilbing inspirasyon niya ang mga mumunting suportang ipinadama sa kanya ng ilang estrangherong naniniwala sa kanyang adbokasiya.

Kuwento ni Igman, may iilan daw na nakakabasa ng “Bike the Pandemic Philippines” signage sa kanyang backpack ang nag-aabot ng kaunting halaga bilang suporta sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa Subic, Zambales naman, isang grupo raw ng mga tauhan ng Philippine Navy ang nag-escort sa kanya sa layong ilang metro.

Nalaman raw kasi ng mga ito na nag-iisa niyang isinusulong ang kanyang adbokasiya para sa mga katutubo ng Sierra Madre.

Pagdating sa Surigao, dalawang araw daw na nagpahinga nang maayos si Igman.

Sa buong 23 araw kasi ng kanyang Philippine loop journey, sa maliliit na tulugan daw nagpapahinga si Igman.

Kuwento pa niya, upang hindi gaanong mabigatan sa kanyang mga bitbit, ang ilang isinuot na damit ay iniiwan na lang niya sa mga tinigilang lugar.

At para hindi na siya maglaba, bumibili raw si Igman ng mga mumurahing damit sa nadadaanan niyang ukay-ukay para may pampalit siya.

OTHER ADVOCACIES

Bukod sa pagkalap ng pondo pambili ng COVID-19 vaccine para sa mga katutubo, hangad din ni Igman na himukin ang publiko na magbisikleta.

“Sana po mas marami po ang mag-bike sa Pilipinas dahil nakakatulong po ito sa climate change awareness,” ani Igman.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, ang bisikleta ay hindi gumagamit ng gasolina kaya hindi nagbubuga ng usok, na delikado sa kalusugan at nagdudulot ng air pollution.

Kaugnay nito, umapela si Igman na magkaroon ng mas maraming bike lanes sa buong bansa para mahikayat ang publiko na magbisikleta.

“ORDINARY PEOPLE CAN MAKE EXTRAORDINARY THINGS”

Sa kabuuan, lubos ang kaligayahan ni Igman nang makarating siya sa General Santos City—ang last stop ng kanyang long-distance cycling journey.

Reynaldo Igman in General Santos City, South Cotabato

Continue reading below ↓

Ano ang pakiramdam niya nang sa wakas ay marating niya ang GenSan matapos ang tatlong linggong pagbibisikleta?

“Masaya na na-reach ko rin po itong goal ko na ganito, in spite na running 50 years old na po ako,” nakatawang sabi ni Igman sa panayam sa kanya ng ilang blogger at mamamahayag na sumalubong sa kanya sa GenSan.

Napatunayan raw kasi niya na hindi siya “too old to set another goal” sa buhay.

“Ordinary people can make extraordinary things,” nakangiti pang sabi ni Igman.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Long-distance cyclist-environmentalist Reynaldo "Igman" Tarubal pedals from his hometown in Baggao, Cagayan to General Santos City in South Cotabato for 23 days, crossing a total of over 3,000 kilometer-distance, to raise awareness on his advocacies for the indigenous communities of Sierra Madre and for the environment.
PHOTO/S: Binggot Adventures PH on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results