Hero security guard saves boy from burning car; recognized for “act of bravery”

by Jet Hitosis
Apr 3, 2021
Kenneth Cangke hero security guard
Security Guard Kenneth Brian S. Cangke (left) receives a Plaque of Recognition from the Bureau of Fire Protection-Region XI for his "dedication and act of bravery" after he saves a child from a burning car in Davao City on March 4, 2021.
PHOTO/S: BFP XI PIS on Facebook

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kabayanihan ng security guard na nagligtas sa isang batang lalaki mula sa nasusunog na sasakyan sa Davao City.

“Living hero” ang tawag ng BFP-Region XI kay Kenneth Brian S. Cangke, na security guard sa isang hindi pinangalanang eskuwelahan sa Davao City.

Dahil sa alertong pagresponde ni Kenneth sa gitna ng trahedya, nailigtas niya ang buhay ng isang tatlong-taong-gulang na lalaki.

Ang kabayanihang ito ni Kenneth ay kuhang-kuha sa CCTV (closed-circuit television) camera na nasa main entrance ng pinagtatrabahuhan niyang establisimyento.

PRESENCE OF MIND & BRAVERY

Pasado 7 ng umaga nitong March 4, 2021, nakabantay si Kenneth sa gate ng main entrance nang bumulaga sa kanya ang isang dilaw na kotse na nakatigil sa harap ng paaralan.

Kitang-kita sa CCTV footage ang makapal na usok na nagmumula sa hulihang bahagi ng kotse.

Mabilis na nakalapit sa kotse si Kenneth at tinangka na puwersahang buksan ang pintuan ng passenger seat ng sasakyan.

Continue reading below ↓

Nang hindi bumukas, tumakbo sa kabilang bahagi ng kotse si Kenneth, na ilang segundong nawala sa frame.

Nang muling lumitaw sa camera si Kenneth, karga na niya ang isang batang lalaki, na nakasuot ng white shirt at dark blue pants.

Kenneth Cangke hero security guardSG Kenneth Brian Cangke with the three-year-old boy

Maingat na ibinaba ng security guard ang bata sa ligtas na bahagi ng entrance area, ‘tsaka siya nagtatakbo papasok ng paaralan.

Continue reading below ↓

Nang mahagip muli ng camera si Kenneth, bitbit na niya ang isang fire extinguisher at patakbong binalikan ang kotse.

Tanaw pa sa CCTV camera nang itutok ni Kenneth ang fire extinguisher sa nasusunog na likurang bahagi ng kotse at mag-isang inapula ang apoy.

“BEYOND THE CALL OF DUTY”

Nitong Miyerkules, March 31, ginawaran ng Plaque of Recognition ng BFP-Region XI si Kenneth.

Pinarangalan si Kenneth sa seremonya para sa pagtatapos ng Fire Prevention Month.

Sa post sa official Facebook page ng Public Information Services (PIS) ng BFP-Region XI nitong Miyerkules, binigyang-pugay si Kenneth sa kanyang “dedication and act of bravery” bilang isa sa mga “living heroes risking their lives for the safety of others and doing beyond the call of duty.”

Continue reading below ↓

Samantala, umapela naman ang BFP sa publiko “to always think of fire safety” upang maiwasan ang mga insidenteng tulad ng nirespondehan ni Kenneth.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Security Guard Kenneth Brian S. Cangke (left) receives a Plaque of Recognition from the Bureau of Fire Protection-Region XI for his "dedication and act of bravery" after he saves a child from a burning car in Davao City on March 4, 2021.
PHOTO/S: BFP XI PIS on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results